Chapter 4

771 32 1
                                    

Minjeong's POV

Nagising ako nang may maramdaman akong may nakahiga sa tabi ko. Oo nga pala, we're sharing in a one bed with this girl.

Tinignan ko siya. Ang amo ng mukha niya hindi mo matatangging madaming nagkakagusto sakanya ang kaso masungit. Hate na hate ata ako. Kung hate niya ako hate ko din siya, the feeling is mutual.

Bigla siyang napamulat "Oh bakit tinitignan mo ko?" Tss ito na naman agang aga.

"Tanghali na madam." Napabalikwas naman siya nang bangon at sabay napatingin sa phone niya.

Sinamaan niya ako ng tingin "It's too early, oh my gosh."

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ko ng kwarto para kumain. Nakita kong nakasunod siya.

"Maghilamos ka kaya muna?" Sambit ko pero di niya pa din ako pinansin. Kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng isang basong tubig at dali daling binuhos sakanya.

"What the hell, Minjeong?!"

"Ayan ayaw mo maghilamos e."

"Wala kang karapatang buhusan ako. Ang bastos mo naman!"

"Tignan mo kasi itsura mo ang dungis dungis mo tapos simpleng paghihilamos hindi mo pa magawa? Paano na yan kung kasal na tayo?"

"As if namang matuloy. Saka I'd rather marry the person who accepts kung ano man ako kahit hindi ako naghihilamos. Basically, you're not that person."

Tinignan ko lang siya. Masama pa rin ang tingin niya. Hindi ko na siya pinansin nang umalis na siya sa harap ko. Natapos kaming kumain nang hindi nagkikibuan. Hanggang sa papuntang school, hindi kami nagpapansinan.

"Oy! Anong meron?" Sumulpot sa tabi ko si Ryujin.

"Ha?"

"Hindi kayo nagpapansinan ni Karina. Napansin ni Yeji kaya sinabi niyang tanungin daw kita."

"Ah, wala."

"Sus nahiya ka pa, ano nga?"

"Wala nga."

"Away mag asawa?"

"Hindi pa kami kasal. After graduation pa kung matutuloy pa."

"Alam ko namang kayo din magkakatuluyan. Mukha lang kayong may ayaw sa isa't isa."

"Malabo yan. Hindi ko naman siya gusto. Hindi rin niya ako gusto. Hate namin ang isa't isa."

"Matanong ko lang, bakit hate niyo ang isa't isa?"

Hindi ako nakasagot. Napatanong din ako sa sarili ko. Bakit ba namin hate ang isa't isa?

Hanggang sa dumating ang hapon, iniisip ko pa din ang naging tanong ni Ryujin.

I don't totally hate her pero nang sagut sagutin niya siguro dun nabuo yung pagkahate ko sakanya na hindi ko naman talaga alam kung hate ba talaga ang nararamdaman ko.

Nakita ko si Karina na kalalabas lang ng classroom niya. Hindi niya kasama sila Yeji at Ryujin pero may isang asungot na nakabuntot sakanya. Si Yeonjun. Lumapit ako sakanila nang hindi nila napapansin.

"Look, I made this lunch for you." Sambit ni Yeonjun pero hindi pa rin siya pinapansin ni Karina. Nareject na nga, sunod pa rin nang sunod. Tss.

"Labasan niyo na, hatid na kita pauwi?" Hindi pa rin nagsasalita si Karina.

Mas lalo akong lumapit sakanila at marahang hinila si Karina palayo kay Yeonjun.

"Kanina pa kita hinahanap. Umuwi na tayo." Halatang nagulat si Karina sa ginawa ko. Hindi ko siya tinitignan.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now