Chapter 28

635 23 12
                                    

Karina's POV

"Okay so first of all... What the hell?" Bungad sakin ni Yeji matapos kong ikwento na tinanggap ko na ulit si Minjeong.

"Ang gulo mo girl!" sinigawan naman ako ni Giselle.

Nasa bahay sila ngayon dahil pinapunta ko sila. Sila Ryujin, Yujin at Minjeong naman ay namalengke muna.

"Nung una ayaw mo kasi nga nasaktan ka. Yung pangalawa naman pinatatabuyan mo siya na kesyo wala nang chance. Yung pangatlo naman—"

"Yeji, bakit mo naman nilista?" angal ko sakanya.

"Ang gulo mo talaga, Karina. No offense!"

"E kasi naman. Gusto ko naman siya e. Mahal ko pa."

"Still, para mo lang siyang pinaglaruan ngayon. Sincere ba yung pagbibigay mo sakanya ng chance?" tanong ni Yeji. Tumango ako.

"Oo naman."

"Hmmm?"

"What?"

"Wala."

"Crush talaga ako ni Karina nahihiya lang siyang umamin ulit." pumasok bigla si Minjeong kasama yung dalawa.

Kapal talaga nito.

Inirapan ko siya na siyang ikinatawa niya. Umupo naman siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko "Nakakapagod pala mamalengke."

Pinunasan ko yung pawis niya "Grabe naman yung pawis mo, naglakad lang ba kayo?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Si Yujin kasi mapilit, wag na daw kami magkotse ayan pawisan tuloy." reklamo ni Ryujin na nasa tabi na ni Yeji. Natawa nalang kami sa kanila.

"Hindi ka pa ba magwowork?" tanong sakin ni Minjeong.

"Rest day ko pa, bakit? Ayaw mo na ko kasama?" pangtutukso ko sakanya. Niyakap niya ako bigla.

"Hindi. Dito ka lang..."

"Hoy kapal ng mukha niyo maglandian dito. May label na ba?" kahit kailan asar talaga tong si Ryujin.

"Pupunta din tayo dyan, wag mo kaming madaliin." natatawang sabi ni Minjeong.

Finally.

After all these years hindi ko akalain na magkakasama pa rin kami.

Oo na marupok na ko sakanya pero sino naman kasing hindi maiinlove sa isang Minjeong?

Pero bakit may iba pa rin akong nararamdaman? Kinakabahan ako at some point pero sana walang masamang mangyari sa kahit na sino.

"Tahimik mo, Karina." sabi ni Minjeong sakin.

"Ah wala may iniisip lang."

"Care to tell?" umayos siya ng upo at humarap sakin.

This time, ako naman yung sumandal sakanya "Kinakabahan kasi ako I don't know exactly the reason... pero nagwoworry ako."

"Wag ka masyado mag isip isip ng kung ano ano pero kung di mo naman maiwasan, sabihin mo sakin lahat. I'll do anything to comfort you." sabi niya. Simula nang bigyan ko siya ng second chance, mas naging sweet pa siya. Not her thing talaga pero I love the efforts.

"Nga pala" napatingin siya sakin "I posted our picture sa account ko and papa saw it..." nakita ko naman yung reaction niyang nagulat. Cute.

"Anong sabi? May sinabi ba sakin? Galit pa si tito sakin. Pinaghihiwalay ba tayo? Di ako papayag." natawa ako sa mga sinasabi ni Minjeong.

"No." I chuckled "Actually, he wantsto meet you, again. Siguro pag uwi niya ulit. So better prepare yourself."

Napaayos siya ng upo "Anong favorite kainin ni tito?" tanong niya.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now