Chapter 6

688 30 3
                                    

Karina's POV

Buong gabing tahimik si Minjeong at nakakulong lang sa kwarto. Giselle and the others went home na din after. I tried to talk to her pero hindi siya nagreresponse.

Pumasok ulit ako ng kwarto and saw her sleeping peacefully. Umupo ako beside her. Pinagamamasdan ko lang siya nang umilaw ang phone niya. Someone texted her.

Mint! Can we talk?

I miss you so much

To be honest, medyo nainis ako sa nabasa ko. Is she desperate? She left Minjeong and now babalik siya as if nothing happened? Nagets ko na kung bakit biglang tumamlay na din si Giselle after tumawag ng ex ni Minjeong.

May naramdaman akong paghawak sa mga bewang ko and saw Minjeong who's still sleeping. Natutulog nga ba?

I tried na alisin ito pero mas lalo lang niyang hinigpitan. Bahagya naman niyang minulat ang mata niya. "Don't leave me, please?" Sabi niya. Nakatingin lang ako sakanya at ngumiti.

"Saan naman ako pupunta? Remember may utang ang papa ko?"

She chuckled "Pwede mo ba kong tabihan?"

"Gabi gabi tayong magkatabi, Minjeong."

"But we're not too close to each other."

"Ha?"

Hindi na siya nagsalita at hinila na ko para mahiga. She's now hugging me. Her face is too close to mine. I could feel her heavy breathing.

"Why didn't you answer that girl who called you earlier?" tanong ko. Medyo hinila niya pa ko papalapit sakanya na ikinagulat ko.

"She's not that important..."

Tinignan ko siya na hanggang ngayon ay nakapikit pa din. Hindi ko na inalis ang pagkakayakap niya sakin at saka siya niyakap pabalik.

I don't know... I feel safe with her.

"It's too early to sleep, right?" tanong ko at tumango naman siya.

"Sleep ka na muna, you seem tired." sabi niya sakin kaya wala na din akong nagawa dahil ramdam ko ang pagod.

Bago pa ko tuluyang makatulog ay naramdaman kong lumapat ang mga labi niya sa noo ko "Sleep well, Karina."

————

Nagising ako sa alarm. It's already 7 am. Napahaba ata ang tulog namin ni Minjeong.

"Good morning" bati niya sakin.

"Kanina ka pa gising?"

"Not totally" she chuckled "Wash up, may pupuntahan tayo."

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako "You don't have classes today."

Great.

May kumatok naman sa pintuan ng kwarto. "Ma'am? May naghahanap po sa inyo sa labas."

"Alright! Bababa na manang. Salamat."

Nagpaalam na muna sakin si Minjeong at ako naman ay dumiretso nang bathroom para maligo. Mamaya na siguro ako kakain.

"MINT!"

"NAMISS KITA! BAKIT HINDI MO SINASAGOT NGA TAWAG KO?"

"DON'T TELL ME, NAHIHIYA KA NA SAKIN?"

Dali dali akong nagtapos sa paliligo at dali dali akong magbihis dahil sa narinig kong sigaw ng isang babae.

Nang makapagsuklay ako dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto and I saw a girl sitting sa sofa.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now