Chapter 30

1K 27 9
                                    

Karina's POV

Pumasok kami sa kwarto ni Ryujin, gising na siya. Nakatulala lang siya sa may labas. Ang sabi ng doctor, trauma ang nakuha niya mula sa nangyari. Si Yujin naman umalis na muna.

Lumapit si Yeji dito kaya napatingin dito si Ryujin at bigla nalang umiyak.

Puno ng takot yung boses niya.

"Ye-yeji..."

"Shhh, I'm here..."

Naupo kami ni Minjeong sa may sofa sa harap ng kama ni Ryujin. Hinayaan na muna namin sila kaya kahit di pa namin nababati o nakakausap si Ryujin, umalis na muna kami.

Umuwi na muna kami ni Minjeong para makapagbihis.

Habang nasa daan pauwi, nakaramdan ako ng kaba.

"Min..."

"Hmm?" napatingin siya sakin "May problema ba?" tanong niya.

"Kinakabahan ako." nagsimulang manginig yung kamay ko kaya napansin ito ni Minjeong at hinawakan niya ito.

"Why? You should sleep kapag nakauwi tayo. Don't worry, babantayan kita. Baka kasi napagod ka lang din..." sabi niya.

Nakarating kami sa bahay pero may mga tao sa labas. Kung hindi ako nagkakamali, mga guard to ni Somi.

Pagkababa namin sa sasakyan, lumapit agad sakin si Minjeong at hinawakan ang kamay ko bago dumiretso sa loob ng bahay.

"Somi?! Anong ginagawa mo sa bahay ni Karina?!" sigaw ni Minjeong kay Somi.

"Why? Can't I visit my sister?" sagot niya. Mas lalo namang nainis si Minjeong.

"Umalis ka na dito!"

"Bakit ba galit na galit ka? Bonding natin ngayon!"

"Bonding? Tangina! Matapos nang ginawa mo kay Ryujin at Yujin may mukha ka pang hinaharap sakin?!"

Halata namang nagtaka si Somi sa sinabi ni Minjeong.

"Huh?"

"Please lang Somi, wag ka nang mag maang maangan!"

"I don't even know what you're talking about!"

"Shut up!" nagulat si Somi nang magalit sa kanya si Minjeong. Halata namang hindi niya ito inaasahan.

"I swear! I don't even know kung ano yang ikinakagalit mo!"

"Umalis ka na, please lang." mariing sabi ni Minjeong kay Somi. Tinignan ko si Somi and she looks like telling the truth na hindi niya talaga alam ang nangyayari.

Umalis siya nang hindi nagsasalita.

"Min, what if hindi talaga si Somi yung nasa likod nung nangyari kila Ryujin at Yujin?" napatingin naman siya sakin.

"Karina... siya lang naman yung madumi maglaro dito."

"Min just what if lang naman. Hindi ko naman siya kinakampihan or what but did you find it suspicious?"

"What do you mean?"

"Bakit naman magpapakita pa si Somi sayo matapos yung ginawa niya?"

"She's just playing safe. She's acting like an innocent."

"Then bakit sa bahay ko siya pumunta?" natahimik siya. Hindi naman siya pumupunta dito, kahit noon pa. Kung walang tao kila Minjeong, alam kong maghihintay lang si Somi sa sasakyan niya hanggang sa dumating si Minjeong pero iba ngayon e, naabutan namin siya dito sa loob ng bahay.

Hindi na rin naman namin sineryoso masyado kung ano mang sinabi ko. Baka tama talaga si Minjeong na si Somi ang may pakana ng lahat.

Minjeong is just doing the cooking nang tumawag sakin si Yeji.

Napatingin si Minjeong.

Niloudspeaker ko naman ito para marinig din ni Minjeong.

"Yeji? Napatawag ka? May nangyari ba?"

"Karina—MINJEONG WINTER MISS NA KITA." narinig namin ang sigaw ni Ryujin. Napatawa nalang kami. Parang nag aagawan ang dalawa sa phone.

"Siraulo talaga." Napailing nalang si Minjeong.

Hinintay na muna naming makuha ni Yeji ang phone.

She chuckled first "I'm sorry, ang kulit kasi ni Ryujin."

"That's okay!"

Narinig naman namin ang mabibigat na buntong hininga ni Yeji.

"Why?" Tanong ko. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Tanda na lumabas si Yeji sa kwarto ni Ryujin.

"Kinakabahan ako..."

"Yeji—"

"May isang doctor kanina, hindi kami pamilyar sakanya. Masama ang tingin samin ni Ryujin."

"Baka naman ganun lang talaga 'yon."

"Karina, ever since maging okay si Ryujin, hindi siya yung naging doctor niya."

"Huh?"

"Pwede ba nating ilipat si Ryujin ng hospital? O kaya ilabas nalang natin?"

"Yeji, madidischarge na naman si Ryujin sa isang araw. Hintayin nalang natin."

Hindi siya sumasagot. Napatingin ako kay Minjeong na nakatingin ngayon sakin. Kinuha niya yung phone sakin.

"Yeji, tell the nurse na idischarge na si Ryujin."

"I will." She ended the call.

"Why?" I asked her. Parang bother siya ngayon.

"Kinakabahan siya, much better sundin yung gut mo."

"Do you think na babalikan sila Ryujin nung mga gumawa non sa kanila?"

"I don't know..."

"WIN!" narinig naming may sumigaw sa labas. Si Yujin.

"Oh? Napadalaw kayo?"

"Ah, wala. Makikikain." Tumawa naman ito. Kasama niya pala si Heejin.

Walang imik si Heejin kaya tinabihan ko ito.

"Tahimik mo naman?" Napatawa ako pero seryoso ang mukha niya.

Napayuko siya bigla "Karina, I'm sorry."

Nagtataka ako kaya napatingin ako sakanya. Busy ang dalawa sa kusina.

"Sorry saan?"

Hindi na siya nagsalita at pumasok na rin sa loob. Lumapit siya sa dalawa na parang normal lang.

This is getting weird.

—————

Short UD, hehe. Mahabang writer's block, sorry na. 。:゚(;´∩';)゚:。

Few chapters to go and we're near the end.

Tama, may suspicious sakanila at may betrayal na magaganap.

So, see you sa next chapter. Revelation and such? We'll see.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now