Chapter 6 Alisto

1.8K 56 2
                                    

Chapter 6 Alisto

 

***MICAH POV***

MARAHAN kong binuksan ang pinto ng unit ko. As in sobrang dahan-dahan na para bang meron akong pinag-iingatan. Tsk! Bweno, dapat nga ay wala naman. Ako lang kaya ang nandirito.

Huwag ninyong hahanapin ang mga magulang ko sa akin. Nasa States silang dalawa. May business kasi kami doon at ang papa ko ang namamahala kaso ang mama ko naman, feel niyang sundan ang papa ko.

Mahirap na daw na lumihis ang tingin. You know na! =__=

Pagkapasok ko sa loob, marahan ko iyong isinara. Ewan ko ba, feel kong magdahan-dahan. Kung saan may narinig akong click, syempre mula sa seradura yung tunod, saan pa ba?

Pasensiya na sa pagsusungit ko, tinutupak kasi ang inyong abang lingkod. Pero... teka... Sino ba itong kinakausap ko? Hangin? =__=

Tsk, binuksan ko na lang ilaw mahirap ng mangapa sa dilim at makatikim ng bonggang-bonggang bukol.

Nang umilaw na ang paligid agad kong dinala ang mga dala ko.

"Ay kabayo!" bulalas ko po iyan, kasi naman. Eksaktong pagharap ko may kung sino ang sumulpot sa mismong harap ko. Isang tao na sobrang malapit sa puso ko.

Ano ang ginagawa ng bruhang ito dito? >__<

"Good eve Insan." seryosong sabi ng trespasser ko.

Huwag na kayong mag-isip kung sino. Walang sinuman ang makakapasok sa unit ko maliban na lang sa pinsan kong ito.

It's Krezyl Zane Saavedra. Ang babae sa mall!

"Insan naman e!" kinakabahang angal ko. Sa katunayan sapo ko pa nga ang puso ko. Try niyong pumasok sa bahay niyo tapos may bigla na lang lilitaw sa mismong harap mo. Hindi kaya kayo mahimatay sa sobrang pagkagulat?!

Buweno, ako nga mulat na mulat pa ang mga mata with matching hinga ng malalim. Pero malapit na ako dun! >__<

"What the heck are you doing here?! Balak mo ba akong patayin sa gulat?!" >__<

"Di nga? Nagulat ka ba?" =__=

"Sino ang hindi magugulat don? ha?! Palit tayo ng posisyon? Try natin?! Lalabas ka tapos gugulatin kita para naman masaya!" +__+

 

Ang sarap batukan ng bruhang ito!

"No thanks, wala ng thrill dun." =__=

"Sira." inilapag ko ang dala kong mga paper bag. Nakakahiya namang dalhin ko sila kahit saan. Wala akong balak na magka-muscle.

Saglit kong pinagmasdan ang wall clock. 7:30 pa lang. Natagalan pala kami ni Abnoy sa paglilibot sa mall.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now