Chapter 30 Scene

1.4K 48 1
                                    

Chapter 30 Scene

***MICAH POV***

Laking pagtataka ko nang yumuko bigla si Insan nang malapit na siya kay Louiege. Nakalabas na tuloy ito. Parang may bagay siya na hinahawakan. Parang papel.

Nagbalak akong tumayo para pigilan si Insan sa paglapit kay Abnoy kaso na-post-pone ang paglakad ko. Kasi, ang pinto bigla na lang bumukas. Kitang-kita ko kung paanong tumama ang ulo ni Insan sa papabukas na pinto. Ikinatumba niya iyon. Saglit niya kaming tinitigan.

Ang tanga talaga! Ever! >__<

Tinakbo ko na ang kinaroroonan niya. Parang napako itong mga paa ko sa kinatatayuan lalo na nang makita ko kung sino ang tumulong kay Insan sa pagtayo.

It's Vincent Aldeguer!

Tinitigan saglit ni Vincent si Insan, matapos nun niyakap niya ito.

Syete! O__o

"Thanks God." Bulalas ni Vincent. "I'm so sorry KZ..."

What the heck is happening here?! O__o

"I'm really, really sorry.... Hindi ko alam na nasa harap ka pala ng pinto." Humiwalay na si Vincent sa pagyakap kay Insan. The next thing he do he cup Zyle's face.

Walang ibang ginawa si Insan kundi ang panlakihan ito ng mga mata. Titig na titig siya kay Vincent. Nalunok ko nang wala sa oras ang laway ko. Posible kaya na maalala niya bigla si Vincent? As in oramismo?!

"KZ?" untag ni Vincent kaso walang reaction si Insan.

"NAKS NAMAN!" napatitig ako ng husto sa nagsalita. Halos mapanganga ako sa mga nakikita. Nandito ang kababata kong si Anthony. Maliban sa kanya, nandito din sina Insan Kelvin at Cloud.

"What's wrong KZ?" tanong ni Vincent kay Insan. Hinahawakan niya ang likod nito.

"What are you doing here KZ? I thought you're in a vacation?!" Masama ang pagkakatingin ni Kelvin kay Zyle. Dapat nga hindi iyon ang itatanong niya. Dapat ilalayo niya si Zyle kay Vincent pero hinahayaan niya lang ang dalawa.

"Right." Sang-ayon ni Cloud.

"You're running away again." Ngumiti siya ng nakakaloko si Anthony.

Argh! May hindi na tama dito! Bakit ganito silang lahat?! >__<

"A-ano kasi..." ramdam ko ang kaba sa boses ni Zyle.

"ZYLE!"

 

"Bulls eye." Nakangiting sabi ni Anthony.

"KZ, explain this to me!" Kelvin commanded. Halata sa mukha ang galit.

"S-sorry about that Kent. I-I don't mean to l-lie..." hindi na natuloy na Insan ang balak niyang sabihin dahil sa paglitaw ng panibagong boses. Boses ni Rowie.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon