Chapter 25 Goodbye

1.1K 46 3
                                    

Chapter 25 Goodbye

 

***MICAH POV***

"NO! I won't let you to do this! We're part of her life! Her memories! Hindi ko hahayaang burahin mo na lang kami sa buhay niya!"

Naipikit ko ng mariin ang mga mata matapos kong marinig ang sigaw ni Vincent. Parang puputok ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit.

Tsk! Kung maka-react siya, wagas. Baka nakakalimutan niya na isa siya sa mga taong nagbigay ng sobrang heartache sa pinsan ko. Sarap ingudngod.

Sa mga nagtataka, nandito kaming lahat sa isang private room. I ask my cousins help para magkita-kita kaming lahat. Dahil kailangan na naming tapusin ito. Lalo na siya.

I sigh. "We're Zyle's families. Kami ang may karapatang magdesisyon kung sino ang aalis at kung sino ang hindi." Mariin kong sabi.

"That's why you want us to get lost?!" tiim bagang tanong ni Vincent. Pasimple kong sinulyapan si Catherine. Tahimik lang siyang nakatitig sa amin ni Vincent.

I sigh again. Hindi naman siguro ako mawawalan ng hangin sa kaka-hinga ko. "Yes..." I look again at Vincent with blank face. "I want all of you to permanently delete on Zyle's memories. Every one of you..." Isa-isa ko silang nilingon. Lalo na siya, ang taong mahal na mahal ko ngayon. Ang taong hindi ko na pwedeng makasama.

"Everyone?" aniya, may nakikita akong kalituhan sa anyo niya.

"Yes." I smiled bitterly and stared at him coldly. "Including you, Louiege Gosiaocu." I tried not to show him how I really feel. Na gusto kong bawiin ang lahat. Na ayokong mawala siya sa akin.

"Darn!" nahampas ni Vincent ang mesa. Sa kanya nalipat itong pansin ko. "So you're breaking up with my cousin?!"

I smirk. "Yes it is." Ang mga mata ko, nagsisimula na namang humapdi. Ayokong umiyak, hindi sa mismong harap nila.

"You love him!" giit ni Vincent. "How could you break his heart too?!"

"No!" I sarcastically smile. "I don't love him."

"Liar."

I just shrugged my shoulders. "Are you done?"

"Mahal..."

Syete! I don't want to hear that from him. Mas lalo lang akong nahihirapan.

"We're done by this. Simula sa araw na ito. Wala na kayong karapatang lapitan si Zyle. Wala kayong karapatang makipag-usap sa kanya o hawakan ang kahit na dulo ng daliri niya... cause if you did..." tinitigan ko sila pa-isa-isa. "Sa korte tayong lahat magkikita."

Lahat sila ay natitigilan.

"Mahal..." ang boses niya. Parang nagsusumamo ito.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now