Chapter 17 A Tight Hug

1.3K 52 0
                                    

Chapter 17 A Tight Hug

 

***MICAH POV***

"GOOD MORNING." masayang bati ng pinsan kong si Cloud. Abot heaven nga ang smile niya

"Morning..." sabay naming bati ng pinsan ko.

Hindi na ako tumingin kay Claudio, tumungo na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng breakfast. Hindi naman kasi ako mabubusog sa kakatingin sa kanya.

"Bakit ang tamlay ninyong dalawa? Keyn, Ate KZ? Ang laki pa ng eye bags niyo! Ang panget!" >3<

Saglit kaming nagtinginan ni Zyle. Tama si Cloud. Nangingitim nga ang ilalim ng mga mata ni Insan. Pati ako malamang! Mukha kaming hindi nakatulog ng ilang araw. Ang haggard!

"May problema ba kayo?" ?__?

Napatingin na naman ako kay Cloud. Ay mali, kaming dalawa ni Insan ang napatingin sa isip batang ito.

"Ha?" *ako

"Ang sabi ko, may problema ba kayong dalawa?" >3<

Problema? Wala! Iniisip? MERON!

"Naninibago lang ako sa tinutulugan namin." palusot ko.

"A-ako rin..." sagot ni Insan.

Tss! Nakikigaya pa! Alam ko kaya kung bakit! =__=

"A... ganun pala..." ^___^ *Cloud

"Oo.." >__< *Zyle.

Sa pagkakataong ito hindi na niya kami pinakialaman ni Zyle, parang batang kumain si Cloud. Buti na lang kahit masiba siya sa pagkain hindi siya tumataba. No wonder, model kasi siya.

Napatingin ako sa kakarating lang na si Kelvin. Hindi na ako mag-e-expect ng pagbati niya, hindi siya marunong nun.

"Good morning Kent." ^__^ *Zyle.

Si Kelvin? Tango lang ang iginanti. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Ang masama pa, hindi ko malunok ang kinakain ko. Tinusok-tusok ko na lang ang gulay. Kahit si Zyle ganun din naman ang ginagawa.

*silence

*silence

"KZ..."

Napapiksi ako matapos kong marinig ang nakakatakot na boses ni Kelvin. Kahit na hindi ko naman pangalan ang binanggit niya.

"Kung wala kang balak na kumain, huwag mong paglalaruan ang pagkain mo." mahinang wika ni Kelvin, nakatoon yung mga mata kay Zyle.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now