Chapter 47 Love Quarrel?

1.2K 38 0
                                    

Chapter 47 Love Quarrel?


***MICAH POV***

HINDI ko mapigilan ang magpakawala ng isang sobrang lalim na buntong hininga. Kahit anong gawin kong pag-iisip, wala talaga akong maisip.


Ilang araw ng tigang ang utak ko. Ilang araw ko na ring nilulunod ang sarili sa kalungkutan.


*sniff*


*sniff*


Sa tuwing maiisip ko si Louie, parang mababaliw ako sa sobra-sobrang sakit. Ang pesteng yun! Binigyan pa ako ng invitation card! Ang lupit niya! Hindi na siya nakuntento na paasahin ang puso kong sawi! T__T


Suminghot-singhot na naman ako, naiiyak kasi e! Aish! I shut down my laptop. Gulat ba kayo? Balak ko kasing gumawa ng new story kaso sa tuwing magsusulat ako, puro kaabnormalan din.


Pagkasara ko ng laptop, may kung ano akong natabig. Nagkalat ang laman nun sa sahig. Napapangiting inabot ko iyon. Isa itong ilang piraso ng roses. Medyo tuyo na. Mukhang hindi naubos.


Kagabi kasi, may tao akong tinulungan. Actually marami kami, anim kaming makakaibigan ang nagsaboy ng sobrang daming petals ng rose. Nagpatulong kasing mag-propose yung kababata kong si Anthony. Kanino? Tentenenen... e di kay JHOEY! Gulat nga ako.


Basta ang mahalaga, nagka-lovelife si Jhoey. Ang ganda nga ng pagkaka-propose ni Anthony. Nakakainggit. Aish!


Tinapos ko na lang ang pagliligpit, tinungo ko na ang kusina. Kailangan ko kasing pilitin ang sarili na kumain. Nilait kasi ako ni Insan. Tsk!


Kakabukas ko lang ng refrigerator kaso may kung sino ang tumawag. Sinagot ko na iyon ng hindi man lang tumitingin kung sino.


"Bakit?" Tanong ko, habang kumukuha ng juice sa loob ng reef.


(Uwaaah Insan!)


Amputsa naman! >__<


Nailayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko, ang sira-ulo kong pinsan, kung maka-sigaw wagas! Whew, sarap batukan!


"Nasaan na ang manners mo?! Uso ang sigawan ngayon?!" angil ko, para kasing nabasag ang tenga ko sa sigaw niya.


(Hihi, kinikilig kasi ako Insan. Biruin mo yung VIZE na ipinangalan niya sa restau niya, amin pa lang dalawa yun. Ang VI sa kanya, at ang ZE naman ang sa akin. Ahee, kilig much talaga ako!) >3<


Inis na tinitigan ko ang phone. Pinapainggit yata ako ng babaeng ito! Tsk! =__=


"Kung wala kang magawa sa buhay, huwag ako ang isturbuhin mo!" balak ko na sanang e-off ang phone kaso nagpahabol pa.


BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now