Chapter 39 Irritated

1.1K 46 0
                                    

Chapter 39 Irritated

 

***MICAH POV***

WALA akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang umiyak ng umiyak. Sa katunayan ilang araw ko na itong ginagawa. Ang bigat-bigat ng loob ko. Sobrang bigat.


Tinitigan ko ang mukha ko sa malaking salamin. Nanlalalim ang mga mata ko, nangangayayat na rin ako. Overall ang panget-panget ko na! T__T


Nanghihinang ibinagsak ko ang katawan sa kama ko. Gustohin ko mang kumain kaso hindi ko yun malunok ng maayos. Na parang ayaw pumasok sa lalamunan ko kaya naman pakunti-kunti lang ang kain ko. 


Kasalanan itong lahat ni Louie! Ibinalik niya ako sa dati, bumalik ako kung ano ang pinanggagawa ko nang hiwalayan ko siya.


Pakiramdam ko nasa hell ako. Walang liwanag, puro na lang kalungkutan!


Marahan kong pinahid ang basa kong mukha. Nagmumukha na akong ingot nito.


Bakit kailangan ko pa kasing marinig iyon sa kanila? Na matagal na palang engage si Abnoy?!


T__T


Para saan ba yung mga salitang MAHAL niya ako?! May pa-mahal-mahal at Love pa siyang nalalaman tapos... tapos... uwaaaaah!


Muli kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Ipinatong ko na ang kamay sa mga mata ko. Tinatakpan ko kasi, may puting likidong panay na naman sa pagpatak. Ikinapa ko naman ang isa kong kamay, wala ng laman ang tissue!


Kainis naman e! T__T


Hinablot ko ang bed sheet ng kama ko at doon na bumahing. Awang-awa na kasi ako sa ilong ko. Pinamamahayan na ng uhog!


Bakit kasi nakakadiri ang mag-emote?! Okay na sana ang mga mata, bakit pati ilong feel pang makisama?! T__T


"M-Micah! K-Kumalma ka nga!" humihikbing pag-alo ko sa sarili.


Ayan, sarili ko na itong kinakausap ko. Feel kong sarilihin e! T__T


Nang magsawa ako sa kakabahing sa kama, bumaba na ako. Tinungo ko na ang kusina, balak ko kasing magpakalasing kahit hindi naman ako umiinom!


*lakad


*lakad


*lakad


*DING-DONG*


*DING-DONG*


Kumunot ng husto ang noo ko, kasi naman... nag-iingay ang doorbell ko. Pahinamad na tinungo ko yun. Wala naman kasi akong expected na pumunta sa bahay ko.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz