Chapter 5 Kissing Scene

2K 70 3
                                    

Chapter 5 Kissing Scene

 

***MICAH POV***

"ALAM mo nagtataka ako sayo..." nagdududang pinasadaan ko ng tingin ang nakangising lalaking ito. Kagaya ng ginawa naming nang nakaraan araw, abala siya sa pamimili ng in-order naming pagkain.


=__=


Mali pala ako, hindi NAMIN dahil siya lang ang namimili. Tsk!


"Ayan ka na naman." Aniya, binigay sa katabing waiter ang menu.


I cross my arms. "Bakit kailangan mo pa ako na maging girlfriend mo sa loob ng..." saglit kong sinulyapan ang hawak kong papel na ibinigay niya. May nakasulat kasi doong importanteng bagay. "Limang buwan?"


Naguguluhan ba kayo? Sige ipapaliwanag ko, nandito kaming dalawa sa loob ng isang kainan, syempre sa nasasakupan nitong mall. Kayaga ng naiisip niyo, kumakain kami at hindi nagpapatayan. Kung pwede lang sana na iyan na lang ang gawin ko sa lalaking ito!


=__=


Kahit pa masama ang loob ko sa pagpapahiyang ginawa niya kanina. Iyong niyakap niya ako sa harap ng madlang humans at ang pinakamasaklap pa, pinagbintangan niya akong nagseselos.


Grrrr! +__+


Iyon ang pinaka-imposible sa lahat! Ang mukhang ito?! Magseselos? E ano naman kung nagyayakapan sila?! I don't care kung gawin nila iyon ng buong araw! Nakaka-imbyerna ang mahangin na abnoy na ito! +__+


"Kailangan ko pa bang sabihin kung bakit?" ^___^


"Syempre oo." Pinandilatan ko siya.


Tawag yata ng kabobohan ang ginagawa niya, sino naman ang sira na makikipagsyota sa loob ng limang buwan?! Iyong pipilitin ka na maging kayo sa maikling panahon na hindi man lang magbibigay ng dahilan, tapos maghihiwalay pagkatapos ng exact month.


Buti sana kung may feelings kami sa isa't isa. E sobrang halata naman na wala! Tsk! =__=


"Hmmmm..." ipinatong niya ang mga siko sa ibabaw ng mesa, sabay sapo sa baba niya gamit ng kanyang mga kamay. "Micah..." ^__^


"Bakit?" =__=


Ang landi niya kung makatingin! Grosse! =__=


"Kagaya ng nakasulat sa papel..."


Sige, change topic na yata ito! Siya na ang wais! =__=


"Sa bawat araw na mag-de-date tayo kaunting impormasyon lang ang ibabahagi ko sayo." ^__^


"What?! Is that a joke?!" nanlalaki ang mga matang turan ko.


"No it's not." ^__^

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang