Chapter 24 Her Decision

1.2K 44 3
                                    

Chapter 24 Her Decision

***MICAH POV***

BAGO pa man ako makapasok sa loob, saglit akong napatitig sa mga taong nag-aabang sa labas. Sila ang mga taong hindi namin kaanu-ano.

Even Louiege... Sinalubong niya ang mga mata ko. Parang gusto ko siyang yakapin at umiyak sa mga bisig niya kaso.... Naghihintay si Zyle sa loob. Kailangan niya ako.

Isang ngiti na lang ang iginanti ko, sabay pasok sa loob.

I'm sorry Louie! >__<

Muling uminit ang bawat sulok nitong mga mata ko matapos kong makita ang nakangiti niyang mukha habang nakatitig sa akin. Nagkamalay na si Zyle. Walang mali sa kanya.

Pesteng Cloud na yun! Kung makapag-react parang may sobrang nakakatakot na nangyari, wala naman pala! >__<

Hindi ko po pinagdadasal na may masama ngang mangyari kay Insan... sa katunayan sobrang saya ko dahil ligtas na siya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Inabot ko ang nananahimik niyang kamay at sinapo yun.

Ang saya ko, sobrang saya ko!

I bite my lower lip. May kumawala na naman kasing luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigil e, masyado akong masaya! >__<

"Insan?" kunot-noong tanong niya. "What's wrong?" ?__?

"Sira talaga... Tinanong pa..." nagtatampong angal ko, sabay yakap sa kanya. "Masaya ako dahil ligtas ka na Insan. Halos mabaliw ako sa kakaisip sayo." >__<

"A... t-teka..." marahan niya akong itinulak. "Ano ba ang pinagsasabi mo? At tsaka... bakit ka umiiyak?" kunot-noong tanong niya, sabay sapo sa mukha ko.

"Sira ka talaga! Natural na ito ang iaakto ko..." Natatawang angaI ko, sabay punas ng basa kong mukha. I also touch her face. "I'm happy that you're safe. Nakaligtas ka sa aksidenteng yun."

"Ha?" O__o

Base sa nakikita ko sa anyo niya, balot ito ng kalituhan. Na para bang naguguluhan siya. Malamang... siguro... baka epekto lang ito ng mga pinagdaanan niya.

"Sa susunod, huwag ka nang mag-drive ng mag-isa ha? Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo para gawin yun?! Muntikan ka ng mawala sa amin!" >___<

"A... t-teka." itinaas niya ang dalawang kamay, tanda ng pag-awat. "Wala akong maintindihan sa lahat ng mga pinagsasabi mo Insan.... At isa pa..." inikot niya ang mga mata sa paligid. "Bakit nandito ako sa Ospital? at tsaka..." itinaas niya ang mga kamay na merong benda. "Anong nangyari dito?" ?__?

Tila takang tinitigan niya ako. Aish! Kung hindi ko lang iniisip ang kalagayan niya, malamang binatukan ko na siya or worst pinalo ng bonggang-bongga. Nagiging makakalimutin na kasi.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now