Chapter 51 Run Away

1.5K 43 0
                                    

Chapter 51 Run Away


***MICAH POV***

NAHINTATAKUTANG napatingin ako sa pinto ng room ko matapos kong marinig ang kalabog mula sa labas. May mga mababangis na hayop ang nandon! Sobrang bangis, nanlilisik ang mga mata nila at balak akong ilagay sa alanganin!


"MICAH! OPEN THIS DARN DOOR!" sabi ng mabagsik na hayop, habang pinagsisipa ang pinto ng silid ko.


"I WON'T!" ganting sigaw ko, habang umaatras.


"DON'T YOU DARE MAKE ME BROKE YOUR DARN DOOR!" *kalampag*


Inikot ko ang mga mata. Kailangan kong makatakas sa kanila. Wala akong balak na pumunta sa party. Ayokong ipahiya ang sarili ko! >__<


"KEYN MICAH!"


Napapitlag ako matapos kong marinig ang buo kong pangalan sa kanya. Galit siya. Galit na galit na!


"TANTANAN NIYO NA AKO!" ganting sigaw ko.


Sige, kami na itong nagsisigawan! >__<


Laking gulat ko nang bigla na lang bumukas ang pinto. Ang harsh ng pagkakabukas nun! May impact! Dahil sa sobrang pagkagulat napaupo ako. Isama niyo na rin ang mga mata ko na sobra-sobra ang panlalaki.


Nakatayo sa mismong harap ko ang nakakatakot nilang mukha. May kanya-kanya silang dala, at yung mga dala nila hindi ko talaga gusto.


"G-get out!" nahintatakutang sabi ko, habang panay ang pag-atras. Slow-motion nga lang. Naka-upo parin ako, yung mga kamay ko nakadikit sa sahig. Para nga akong si Spiderman. Iyong crawl niya na nakatihaya! >__<


"Why would I do that?" sabi ng babaeng may dalang damit na kulay pink. At ang taong iyon ay ang pinsan kong si Krezyl Zane.


"I-insan!" angal ko. Gulong-gulo ba kayo kung sino itong monster ang kaharap ko? Sila ang mga traidor kong kaibigan. Yung mga dala nila, pampaganda lahat. Balak nila akong gawan ng masama! Huhuhu! It's against my will! >__<


"We have to make her beautiful." sabi ni Insan, hindi niya pinansin ang angal ko.


"Total make-over yata ito." poker-face na sabi ni Jheff.


"How much time do we have?" it's Zyle's again.


"One and a half hour." sagot ni Jhoey, matapos tingnan ang sariling relo.


"Really?" Zyle's smirk.


Nanayo ng husto ang balahibo ko sa iniaasal niya. Ang mga mata niya, parang may gagawin na hindi maganda. Hindi lang siguro, kundi may gagawin talaga siya na hindi maganda! Uwaaaah! Someone help me! T__T

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now