Chapter 11 Bashful Morning

1.4K 51 0
                                    

Chapter 11 Bashful Morning

***MICAH POV***

*CLOSE

*Open

*Close

*Open

Iyan lang ako lagi. Buka-sara ang mga mata. Kahit anong gawin ko kasing pagpikit hindi na ulit ako makatulog. Paano ba naman kasi... paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kahapon.

Ang mga kapalpakan ko! >__<

Una, pinagbintangan ko siyang gagahasain ako. Pangalawa, nag-asta akong nagseselos na jowa kaya hayun, ipinakilala niya ako sa asawa ni GUKO.

Marahas ang ginawa kong pagbangon, sabay sapo sa mukha ko.

Wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang dalawa. Nakakahiya ako. Sobra akong nakakahiya! >____<

Bakit kasi nagkakaganito na ako? Ano na ba ang nangyayari sa akin? >__<

Heto na naman naririnig...

Napapitlag ako matapos kong marinig ang tunog ng phone ko. Dagli ko iyong nahanap. Kaso ang hirap hanapin.


Kumakaba-kaba itong dibdib...


Lagi nalang sinasabi...


Pwede ka bang makatabi?




"Nasaan na ba yun?!" >__<

 

Kahit sandali lang pweda ba..


Sana pagbigyan sige na?


Mukhang tinamaan yata ako....

"Nakita ko na!" Agad ko iyong inabot para sagutin sana kaso natigil ako sa aking balak.

Nanginginig ang mga kamay na nabitawan ko iyon. Kasi naman... may tumatawag na... na... Abnoy! >__<

What am I going to do? Wala pa akong lakas ng loob na kausapin siya. I'm not yet ready. Napahiya kaya ako! Maliban don, nahihiya pa ako sa mga pinanggagawa ko kahapon! >___<

Ahhhhhhh! I don't know what to do! >O<

"Ay —- putsa!" hiyaw ko po iyan, dahil may unan na biglang tumama sa mukha ko.

"Natauhan rin sa wakas!" =__=

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon