Chapter 22 A Promise 2

1.1K 44 0
                                    

Chapter 22 A Promise 2

***MICAH POV***

"MAHAL... may iniisip ka?" napatingin ako sa kamay ni Louie na ngayon ay dumadama sa kamay ko. Ginawa niyang genie, kung makahimas wagas.

Aish! Pero tama siya... may bagay nga akong naiisip, at iyon ay ang pangako ko kay Insan na hinding-hindi susukuan ang lalaking ito.

"Wala lang..." pahinamad kong sagot, sabay hablot ng kamay ko kaso inabot niya ito bigla. Kunot-noong nilingon ko siya.

"What?" nakangiting tanong niya. Pa-innocent effect, e sobrang halata naman kung ano ang dahilan ng pag-react ko.

"Nothing." Tamad akong makipagbangayan. Tumayo na lang ako at naghanap ng rides na pwede naming puntahan.

Siya? Sumunod naman sa akin. Okay naman kung huwag siyang sumunod basta ba bitawan niya ang maganda kong kamay.

P.S. sa mga nagtataka, nandito kami sa carnaval. Nagyaya kasi ang Abnoy na ito. Wala naman sana akong balak na sumama kaso nahuli kami ni Insan kaya naman NAPILITAN ako! As in NAPILITAN!

Ayokong iwan si Insan, sariwa pa kasi ang sugat sa puso niya tapos kukulitin lang ako nitong si Abnoy! Argh! nakakapanggigil! >__<

"Mahal..." inakbayan na naman niya ako. At dahil inis ako sa kanya tinanggal ko ang kamay niya kaso binalik na naman niya. Pa-ulit-ulit niyang ginagawa iyon hanggang sa magsawa ako sa kaka-up and down.

Eksaheradong inihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Ang kulit ng lalaking ito! >__<

I look around. wala talaga akong makitang magandang view para pasyalan.

Aish! I really want to go home! >__<

"Amo, bakit couple t-sirt ang binili mo?"

Napatigin ako sa babaeng nagsalita, may kasama siyang lalaki. Tinitigan ng babae ang suot niyang damit.

Kumunot ang noo ko lalo na nang mapadako ang mga mata ko sa suot ng dalawa. Magkatulad iyon at may heart shape pa. Tig-kalahati nga lang ang heart ng bawat isa. Parang ang baduy para don sa lalaki.

"It's your punishment." sabi ng lalaki, hindi matitigan ang babaeng kasama.

"What kind of punishment is this?! Dapat pang-couple talaga?!" O__o

Eksaheradong inihilamos ng lalaki ang kamay sa mukha niya. Hinarap na niya ang babae, hinawakan nito ang laylayan ng damit ng babae.

"H-hoy, a-anong gagawin mo?" gulilat na tanong ng babae habang pinipigilan ang kamay ng lalaki.

"You don't like to wear it right? So take it off!" +__+

"Naku naman, hindi ka mabiro. Ang cute-cute talaga, superb!" tumawa ng eksaherado ang babae at umatras.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now