Chapter 33 I love you

1.1K 45 1
                                    

Chapter 33 I love you

 

***MICAH POV***

PINAGMASDAN ko ang sasakyang dala ni Insan, umalis na kasi siya. Mukhang maghahanda para sa palabas bukas. Aish! Sana huwag siyang mapahamak. Makikita ng madlang human ang mukha niya. Malalagot siya sa mga kaibigan namin.

"Ate Keyn."

Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko na kailangang manghula dahil boes pa lang ng taong ito sobrang kilala ko na.

"How are you?" aniya, pilit ang pagkakangiti.

Weird! She looks so pail! =__=

"A... o-okay lang naman." pilit din ang pagkakangti ko. Hanggang ngayon kasi nahihiya pa ako sa mga nadatnan niya nang nakaraang araw.

You know na, napagkamalan niya kaming gumagawa ng porn ni Abnoy. As usual kahit sino naman ang makakakita yun naman talaga ang iisipin! =__=

"A-actually... ano..." tumungo siya. Pinagtama niya ang dalawa niyang hintuturo.

Ako lang ba itong nakakapansin? Utalan mode kaming dalawa e! =__=

She looks at me again. "I-I'm so happy that... that you're my brother's girlfriend..." ^__^

Paano ko sasabihin sa kanya na matagal na kaming break ni Louiege? Na hindi totoo ang mga sinasabi ng Kuya niya? >__<

"Ate Keyn..." lumapit siya sa akin.

Ako namang si takot napako sa kinatatayuan. Parang kakapusin ako ng hininga lalo na nang binalak niya hawakan ang pisngi ko. Ang ikinagugulo pa ng utak ko, nanginginig ang mga kamay niya. Pasmado yata.

Ke-bata-bata napasma agad? Ano kaya ang pinanggagawa ng batang ito? =__=

Para akong napapaso nang dumaiti ang kamay niya sa pisngi ko. Sobrang init, daig pa ang nag-swimming sa hot water. Pero teka, tostado na siya nun!

Ngali-ngaling batukan ko ang sarili.

"Ate..."

Laking gulat ko nang bigla na lang siyang natumba, buti na lang mabilis ang reflexes ko. Mabilis ko siyang nasalo, pero infairness ang bigat niya! >__<

"Hey..." tinapik ko ang mukha niya. Muli akong kinabahan nang maramdaman ko ang init nun. Sinapo ko rin ang noo niya. Inaapoy siya ng lagnat!

Nagsisigaw na ako ng tulong. Buti na lang may dumating kaagad. Dinala siya ng mga tao doon sa silid na pinanggalingan ko kagabi. Huwag na kayong magtaka, hindi pa kasi ako umaalis ng restau. Nawili kasi ako sa kakakain.

"Kuya, pakikuha naman ng bimbo at maaligamgam na tubig. Pati na rin gamot." tarantang utos ko sa isa sa waiter dito. Hihi, buti na lang attentive. Tumalima naman siya kaagad. Ang bilis nga e. "Thank you."

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang