Chapter 37 The Accident

1.3K 47 0
                                    

Chapter 37 The Accident

 

***MICAH POV***

PAGKABABA ko sa sasakyan agad akong pumasok sa loob ng Ospital nagkasabay pa nga kami ng kambal kong kaibigan. It's Jheff and Jhude. Isama niyo na rin si Rowie. Kagaya ko mukha din silang nag-aalala.

"Keyn, kamusta na siya?" salubong na tanong ni Jheff.

"Hindi ko alam, kararating ko lang." mabilis ang ginawa kong pag-iling.

"Sira talaga ang pinsan mong yun." *Jhude*

"Tama na nang dakdak niyo, puntahan na lang natin siya." kabadong sabi ni Rowie. Nagsitanguan na lang kami at nakitakbo na rin.

Tarantang hinanap ng mga mata ko ang silid kung saan naroroon si Insan. Lakad takbo nga ang ginagawa naming lahat. Hindi ko maiwasan ang kabahan ng sobra, something happened to her.

Kanina kasi... okay pa naman ang lahat.

**********************

 

***FLASHBACK***

***MICAH POV***

"GOODNIGHT love..." nakangiting sabi ni Louie, matapos niya akong ihatid sa silid niya. Ingos naman ang iginanti ko. Inis na inis kasi ako sa ginagawa niyang pagkukulong sa kagandahan ko! Hmp! +__+

 

Yung sama ng loob ko, bigla na lang naglaho kasi, ang Abnoy na ito, nanghalik na naman sa noo. Muling kinabog ang puso ko sa pagakakataong ito.

 

Gusto ko siyang pagalitan kaso na-postpone ang pagsalita ko dahil bigla na lang may tumawag kay Louie. Hindi pa nga siya nagsasalita pero may gumuhit na kaba sa anyo niya.

 

Seryoso yata ang pinag-uusapan kaya naman nagbalak na akong pumasok sa loob. He suddenly caught my wrist.

 

"Bakit?" takang tanong ko.

 

"Something happened to Zyle. We have to go to the Hospital right now!"

 

Para akong mahihimatay sa sinabi niya. Pero wala akong time para ma-black out. Mabilis pa sa alaskwatrong tinungo namin ang Ospital.

***END OF FLASHBACK***

***BACK TO REALITY***

***MICAH POV***

SA di kalayuan nakita ko si Vincent na parang hindi mapakali. Mas lalo akong kinabahan.

"VINCENT!" sigaw ko.

Ang mga mata niya, sobrang pula nito, na tila kagagaling lang sa pag-iyak.

"How is she?" kinakabahang tanong ko, sabay hawak sa magkabilang balikat niya. "Sabihin mo... ayos lang siya hindi ba?!"

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now