Chapter 23 Tears

1.3K 41 0
                                    

Chapter 23 Tears

 

***MICAH POV***

"GOODNIGHT love..." masuyong dinama ni Louiege ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Amputik, kinabog talaga ang puso ko lalo na nang titigan niya ang mga mata ko. Para bang lalabas yun.

"Mauna na ako." pumasok na siya sa loob ng kotse niya, ngunit bago yun binigyan niya ako ng isang makalaglag kuan na ngiti. Ilang ulit kong ikinurap ang mga mata. Hindi na ako nagbalak na bilangin yun. Baka kasi mabaliw ako sa kakabilang.

Wala sa sariling sinapo ko dibdib ko, ang parte kung saan naroroon ang puso ko.

DUG DUG

Sobrang lakas talaga, na para bang lalabas ito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang saya-saya ko. Kasi naman... for the first time, nagkagusto ako sa tao. Dati-rati kasi libro lang.

May ngiti sa labing tinungo ko na ang pinto ng bahay ko. Binalak kong pihitin ang seradura kaso na-post-pone matapos kong marinig ang maingay kong phone.

Kunot-noong kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko. Baka kasi si Abnoy ang tumatawag. Ay mali, nag-da-drive yun e! =__=

Kung kanina nakakunot na itong noo ko, ngayon ay mas kumunot pa. Ang tumatawag kasi.. It's Kelvin, hindi yun ugali na tumawag sa akin lalo na sa ganitong oras.

Problema kaya niya? =__=

"Hel..." hindi natuloy yung speech ko kasi inunahan niya ako.

(Where are you?!) ang boses niya, sobrang lamig nun. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

"N-nasa bahay pa ako... Baki.."

(Go at the hospital right now!) utos niya.

"T-teka, bakit naman ako pupunta do..."

(Just go!)

Saglit kong tinitigan ang phone ko at muling ibinalik sa tenga ko. Parang gusto ko na kasing mainis. Pinuputol niya ang speech ko! >__<

"Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit mo ako pinapapunta sa..."

(It's about KZ...)

Maiinis na talaga ako kaso nawala na parang bula, he mention my precious cousin. Kinabahan tuloy ako lalo.

"What's about her?"

Hindi ko na narinig ang boses ni Kelvin, sa halip ibang boses ang sumulpot. Parang boses ng matanda. (She's safe now... You have nothing to worry...)

Sunud-sunod ang pagkabog ng puso ko sa mga narinig.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora