Chapter 29 Handsome Waiter

1.4K 46 0
                                    

Chapter 29 Handsome Waiter

***MICAH POV***

HINDI ko mapigilan ang magpakawala ng isang sobrang lalim na buntong-hininga. Sina Insan kasi, daig pa ang mga langgam kung magtago sa kani-kanilang lungga.

Ilang ulit kong sinubukang kausapin si Kelvin kahapon kaso ayaw niya talaga kong kausapin. Si Insan Zyle naman masyadong busy daw.

Pasimple kong hinaplos ang batok ko. Parang masisiraan na ako ng bait sa mga nangyayaring ito sa akin. Sarap nang batukan si Kelvin. Limang taon kaya ang itiniis ko para mailayo si Zyle tapos hahayan niyang bumalik ang dalawang Abnoy na yun sa mga buhay namin?! Argh!

"Dandi, if you want to go to the mental hospital, just say so. Buong puso kitang ihahatid doon." =__=

Napatingin ako kay Jheff, siya kasi ang nagsalita. Sinundan ko ang mga mata niya, nakatoon yun kay Dannica. Dandi ang tinatawag namin sa kanya. P.S. she's a model. Kasalukuyan niyang ginugulo ang buhok niya. Parang na-e-estatwa nga siya. Ang weird niya.

Kinilabutan kaming lahat ng panlisikan niya kami. Kaya naman itinikom na lang namin ang mga bibig namin. Siya kasi ang pinakamainitin sa amin. Kagaya ng nasabi ko na nang nakaraan, she's a man hater.

Ang unang nagsalita ay si Jheff, real name Jhennifer Rose. Sa pagkakaalala ko, singer siya. Hehe, medyo magulo lang ng kaunti kasi may kakambal siya kaya naman parang hindi ko tiyak.

Ahemm, bago ko nga pala makalimutan, nasa loob kami ng restaurant. VIZE yata ang pangalan, may usapan kaming magba-barkada na pumunta dito. At sa kamalas-malasan wala si Insan.

"Tagal naman niya." Ani Jhoey, sabay hilata sa mesa. Sa aming siyam, siya ang nakakakilala sa tunay naming pagkatao, feel kasi naming magpanggap na simpleng tao kahit na hindi naman.

"Keyn, buhay pa ba ang pinsan mo?" bored na tanong ni Analine sabay titig sa akin. She's a business woman. Pangarap niyang maging model kaso kinapos lang ng height.

"Parating na raw siya." Nakangiting nag-peace sign ako sa kanila. Mahirap ng masabunutan nilang lahat! Ang totoo kasi niyan, hindi ko alam kung nasaan na ba si Insan. Un-attended kasi ang phone niya. >__<

"Baka naman patay na iyon." =__=

Sarap batukan itong si Jhudelyn Rose, Jhude for short, ang panget ng joke e. Kakambal nga pala siya ni Jheff. Ito ang pinakamabait. Sa pagkakaalala ko may kompanya siyang hinahawakan.

"Huwag kang magsalita ng ganyan Jhude... Masama yan... Naturingan ka pa namang anghel sa ating dalawa tapos ganyan ka? Tandaan mo. Ang masamang damo, matagal mamatay." Walang anumang wika ni Jheff.

"Whatever Jheff."

"Tsss!" +__+

"Tsk." =__=

Nagtitigan ang dalawa ng masama. Aish! Dapat nga magkasundo sila kasi iisa lang naman ang mukha ng dalawa. Identical twins sina Jheff at Jhude.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now