True Love 1

199 15 1
                                    

True Love 1

SHIN:

"Shin, mula ngayon dito ka na titira, ako na ang mag-aalaga sayo." Sabi ni Auntie Mira sa akin.

Napakunot ang aking nuo.

"Umm?" Hindi ko kaagad na-gets ang sinabi nya. "Sige po," sagot ko pa rin.

Ngumiti si Auntie Mira at ginulo niya ang buhok ko. Kinausap naman niya si Jake.

"Jake, from now on para na kayong magkapatid ni Shin, ha? Dito na siya titira sa atin."

"AYAW KO!! Ayaw ko siyang maging kapatid!!!!" Sigaw ni Jake. Galit na galit siya.

Nagulat ako sa inasal ni Jake.

AYAW NIYA SA AKIN!!????

Gusto kong maiyak, bakit ayaw ni Jake sa akin?

Nagdadabog na umalis si Jake.

"Jake!!!" Tawag ni Auntie Mira pero hindi siya pinansin ni Jake.

Kyaaah!!!

Biglang nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Nananaginip na naman ako. Napanaginipan ko na naman ang araw na iyon.

Ang araw kung kelan ako dumating dito kina Auntie Mira, ang araw kung kelan ako nagsimulang tumira kasama silang dalawa ni Jake.

Bakit ko ba laging napapanaginipan iyon?

Haist, panaginip lang naman iyon, hindi ko dapat paka-ispin.

Bumangon na ako at pumunta sa kusina, nadatnan ko si Auntie Mira na busy na sa pagluluto.

"Good morning po!"

"Good morning Shin. Nakatulog ka ba nang mahimbing?" Si Auntie Mira. Bestfriend siya ni mama.

"Opo, auntie."

Namatay ang mga magulang ko noong seven years pa lamang ako dahil sa isang aksidente. Si Auntie Mira ang kumupkop sa akin dahil wala akong ibang mapupuntahan.

"Tulungan ko na po kayo."

"Ako nang bahala Shin, fourth year highschool ka na, ang bilis ng panahon. Pagbutihin mo ha, kunsabagay may tiwala ako sayo dahil mahusay kang bata."

"Naku salamat po, auntie. Promise po pagbubutihin ko."

"Tulog pa ba si Jake? Shin gisingin mo na kaya siya, please."

"Sige po, gigisingin ko na siya."

Tatalikod pa lang sana ako nang biglang may magsalita.

"Gising na ako!"

Siya si Jake, nag-iisang anak ni Auntie Mira.

Nakikitira lang ako sa kanila.

Bestfriends sina mama at Auntie Mira, noong mga bata pa kami ni Jake ay subrang close naming dalawa. Bestfriends din kami pero mula nang tumira ako sa kanila naging malayo na kami sa isat-isa. Halos hindi na kami nagpapansinan.

Madalas iniiwasan namin ang isat-isa.

Ayaw niya sa akin!

Kinupkop pa rin ako ni Auntie Mira kahit subrang tutol si Jake na maging magkapatid kami. Hindi niya pinakinggan si Jake. Kaya sigurado ako na masama sa loob ni Jake na nandito ako.

"HINDI KO GUSTONG MAGING KAPATID SI SHIN!"

Natatandaan ko pa kung gaano kalakas ang sigaw ni Jake nang sabihin niya ito.

Ayaw pala niya sa akin?

Pero bakit ganun? Noong mga bata pa naman kami ay lagi naman akong pinahihiram ni Jake ng kanyang mga laruan. Subrang malapit kami sa isat-isa.

RIGHT THERE NEXT TO YOUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant