True Love 15

36 6 0
                                    

True Love 15

Ang ending sinamahan din kami ni Auntie Mira para sa paglipat namin ni Jake.

Nakakatuwa dahil hindi rin niya kami natiis.

"Hindi ba masyadong maliit 'to Jake?" Tanong ni Auntie Mira.

Grabe, maliit pa ba to, eh ang laki na nga, pang isang pamilya na nga 'to kung tutuusin.

"Ma, sakto lang 'to para sa dalawang college students." Si Jake.

"Iisa lang ang bed?"

Shakksss!! Nakakahiya!!! Anong sasabihin namin, gusto ko atang tumakbo at magtago? Nakakakaba!!

"Kunsabagay one room lang, kayong dalawa na ang bahalang mag-usap kung paano ang set up nyo."

Ehhhhh, walang nagsasalita sa amin ni Jake.

"Subrang nalungkot talaga ako nang sabihin ninyong bubukod na kayo ng tirahan. Let's have a deal, kailangang bisitahin ninyo ako tuwing bakasyaon o kung available kayo?"

"Yes Ma!!"

"Opo auntie..."

"Ayoko na puro noodles or instant food ang kakainin ninyo, make sure na puro healthy foods ang kakainin ninyo...." Bili ni Auntie Mira.

"Yes Ma!!"

"Opo, auntie..."

"Tatawag akong nang madalas, sagutin ninyo..."

Nakakatuwa si Auntie Mira hindi ata siya mauubusan ng habilin sa amin ni Jake.

"Huwag kayong mag-aaway, Jake huwag mong aawayin si Shin." Bilin pa rin ni Auntie Mira. "Jake, tulungan mo si Shin sa mga gawain dito, huwag puros sa kanya mo iaasa. Gumawa kayo ng individual task and responsibility dito."

"Yes Ma!!!!"

Judging by Jake's voice kulang na lang ay pagtulakan niya pauwi si auntie. Si auntie naman may isang daan pa atang listahan ng habilin.

"O siya, ako'y aalis na. Huwag ninyong kalimutan ang mga sinabi ko."

Hasssssyt!!! Pareho kami ni Jake na nakahinga ng maluwag.

So this is it?????

Simula na ito na kaming dalawa lang ni Jake ang magkasama. Nakakakaba pero excited din ako.

Tahimik lang kami ni Jake habang nanunuod ng TV.

Ang weird ng feelings, iba pala kapag kami na lang dalawa, o dahil syempre iba ang sitwasyon namin ngayon.

"Shin, hindi ka pa ba inaantok?"

Huhhhhh???!!!

"Anong  oras na ba?"

"It's already late, matulog na tayo. May lakad pa tayo bukas, Shin."

"Um, sige...."

NAKAKAKABA!!!! Ang lakas ng heartbeat ko, magkatabi kami ni Jake sa kama.

Nakakahiya, ang bilis ng aking paghinga.

"Shin......."

KYAAAAAAHHHHH!!! Bakit ang sexy ng boses ni Jake ngayon????

"Um...." kinakabahan ako.

"Kiss kita, okay lang??"

KYAAAAAAHHHHH!!!

Hinalikan na ako ni Jake kahit hindi pa ako pumapayag.

"Jake, umamin ka, talagang sinadya mong isa lang ang kuwarto, di ba?"

"Shin...." inakap ako ni Jake, "inaantok na ako. Matulog na tayo."

Hassyt, ayaw pang sagutin. Sabagay sure naman akong planado niya ito. Okay na rin naman na ganito. At least magkatabi kami ni Jake. Mas kampante ako kapag katabi ko siya.

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now