True Love 6

48 8 0
                                    

True Love 6

Hawak ko ang notebook ko sa English dahil magrereview ako kaso inagaw iyon ni Jomong sa akin.

"Ano may angal ka?" Nang-aasar niyang tanong.
"Nakalimutan ko ang notebook ko kaya pahiram muna ako nito!!!"

Kinuha din ni Jomong ang pencil case ko.

"Pahiram din ako nito."

Never naman siyang nag-aral o nakinig sa lesson bakit kailangan pa niyang kunin ang gamit ko?

"Jomong, wala akong gagamitin."

"Aba tungaw, nagrereklamo ka na?" Galit na tanong ni Jomong.

"Eh kasi....." wala na akong naging laban kay Jomong. Hinayaan ko na lamang siyang kunin ang mga iyon.

Kanino kaya ako pwedeng manghiram dahil wala akong gagamitin. Wala naman kasi akong ka close sa mga classmates ko.

Kay Jake kaya ako manghiram?

Magkasama kami ngayon papuntang cafeteria.

"Jake, pwede ko bang mahiram ang English notebook mo?"

"Oo naman..."

"Sigurado ka?"

"Oo naman, bakit naman hindi?"

Kailangan ko din ng pen, hindi ba nakakahiya kung pati iyon ay hihiramin ko rin sa kanya?

"Jake, pwede rin bang manghiram ng pen mo." Nag-aalangan kong tanong. Shaksss, nakakahiya na kay Jake.

"Walang problema Shin." Pinahiram ako ni Jake ng English notebookbook niya at pati na rin ng pen.

"Salamat Jake, isusuli ko din kaagad."

"No worries, Shin. Take your time."

First time kong manghiram ng notebook kay Jake. Nakakahanga siya. Subrang linis nito at punong-puno ng notes ang notebook niya. Ang sipag naman niyang mag-take down ng mga lessons. Ang linis at ganda ng handwriting ni Jake.

Kailangang bilisan ko ang pagkopya sa mga notes para maibalik ko ito kaagad sa kanya.

"Hoy tungaw! Anong sinusulat mo?" Si Jomong, kasama niya si Gato.

Hindi ko siya pinansin.

Binuhusan bigla ni Jomong ng chocolate drink ang notebook ni Jake.

"Ooopsss, di ko sinasadya. Natapon!!" Syempre sinadya niya.

Anong gagawin ko? Nakakahiya kay Jake, sinira ko ang notebook niya.

Paano ko sasabihin kay Jake ang nangyari sa notebook niya?

"Jake...." kinakabahan ako.

"Shin, okay ka lang?"

Mahigpit ang hawak ko sa notebook ni Jake. Paano ko ba isusuli ito sa kanya? Nakakahiya, hindi ako naging maingat sa gamit niya.

"Jake, kasi...."

"Shin...." tinapik ni Jake ang balikat ko.

"Jake, sorry! Yung notebook mo kasi nasira ko." Hindi ako makatingin kay Jake dahil sa subrang hiya ko. Nakayuko lang ang mukha ko.

"Shin, relax. Okay lang, pwede naman akong magsulat ulit."

"Sorry talaga, Jake." Naiiyak ako. "Natapunan ko kasi ng choco drink."

"Okay lang Shin, wag mo nang paka-isipin pa. Pero Shin magsabi ka ng totoo, hindi ikaw ang may gawa nito di ba? Si Jomong di ba?"

Hinawakan ni Jake ang mukha ko para matingnan niya ako.

RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon