True Love 11

32 5 1
                                    

True Love 11

Akala ko nananaginip lang ako na naririnig ko ang boses ni Auntie Mira.

Pagmulat ng mata ko nakatayo siya sa harap ng kama ni Jake.

Magka-akap pa naman kami ni Jake. Grabeng gulat ko pero si Jake masarap pa rin ang tulog.

"Auntie....!!!"

"Shin!!! Jake!!!! Wake up, linisin nyo ito at sumunod kayong dalawa sa akin. Let's talk!" Galit ata si Auntie Mira?

Lagot!!!

Ano bang nangyari kagabi? Nalasing ba kami ni Jake?

Grabe, pinagpapawisan ako dahil sa tensyon at kaba.

"Jake...Jake gising! Nandyan ang mommy mo."

"Wait lang Shin, inaantok pa ako."

Inakap ako ni Jake at nagawa pa talaga niyang umakap sa akin.

"Jake!!!! , hayssst gumising ka na."

Sumasakit lalo ulo ko.

Anong sasabihin ko kay Auntie Mira?

"Magpaliwanag kayong dalawa!!!"

Magkatabi na kami ni Jake na nakaupo sa harap ni Auntie Mira.

"Auntie....sorry po."

"And, ikaw Jake?"

"Sorry...." Inaantok pang sabi ni Jake.

"HAHAHA!!!!" Tumawa ng malakas si Auntie Mira.

"Mga binata na talaga kayo, marunong na kayong uminom ng alak. I'm sure idea mo ito Jake dahil sure akong hindi mauunang mag-aya si Shin."

Hayssst, nakahinga ako nang maluwag. Hindi pala galit si Auntie Mira.

"Haysssst, akala ko lagot na tayo." Bulong ko kay Jake.

"Ohmmm, yeah..." tinatamad na sabi ni Jake, subrang antok pa niya siguro?

"Madami ba tayong nainom kagabi? Wala na akong matandaan."

"HUH!!!??? ANONG WALA KANG MATANDAAN?" Gulat si Jake.

Bakit nagulat si Jake sa sinabi ko?

"Syempre natatandaan kong nag-inom tayo. Hehehe!"

"Yung mga sinabi mo sa akin, may natatandaan ka naman di ba?" Feeling ko parang atat si Jake na marinig ang sagot ko. Bakit?

"Sinabi ko sayo?" Tanong ko kay Jake, "may sinabi ba ako sayo?"

Wala kasi akong maalala.

"Shin alalahanin mo!!" Asar ata si Jake. "Kahit sabihin ko sayo kung hindi mo maalala baka hindi ka rin maniwala sa akin." Tinalikuran  niya ako.

Galit ba siya? Eh wala talaga akong maalala.

Hindi ako matahimik dahil pilit kong inaalala ang mga sinabi ko kay Jake kagabi. May nasabi ba akong masama sa kanya?

Sana pala hindi na lang ako uminom kagabi. Nagalit lang sa akin si Jake.

Sana lang ay maalala ko na kung ano yung sinasabi niya na sinabi ko.

Hanggang sa makaramdam ako ng antok ay wala akong maalala.

Naramdaman ko ang pagdikit ng mga labi namin ni Jake. Napakalambot ng labi niya, yung hininga niya ay napaka-init, mabango na parang nakakabaliw.

Kyaaaaaaaaaaa!!! Nagkiss ba kami ni Jake????

Panaginip lang.

Parang totoo!!!!????

RIGHT THERE NEXT TO YOUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu