True Love 23

26 3 0
                                    

True Love 23

SHIN'S POV:

Time flies so fast.

Halos hindi ko na namalayan na ilang months na rin pala ang lumipas.

Anyway, magkikita kami ngayon ni Jake sa isang café.

"Shin!" Nasa may pintuan pa lang ako ng café ay tinawag na niya ako. "Subrang pagod ba?" Tanong ni Jake pagkalapit ko sa kanya.

"Okay lang, kailangan lang mag-focus at tapusin ang mga assignments."

"Ang hardworking mo talaga Shin, wait may surprise ako para sayo." Excited si Jake. Ano kayang surprise niya sa akin?

Kinausap ni Jake ang staff ng café. Pagbalik niya ay may dala siyang cake.

"Shin, para sayo dahil napaka- hardworking mo. You deserve the best. I made it for you."

Wow, totoo bang si Jake ang gumawa ng cake?

"Ikaw ang may gawa?" Tanong ko pa rin.

"Yes Shin, I just realized that this is what I want to do."

Anong ibig niyang sabihin?

"Pero Jake diba, hindi ka naman mahilig sa cake, hindi mo gusto ang matatamis?"

Hindi ako makapaniwala na ito ang gustong gawin ni Jake.

"Like ko na siya ngayon, Shin."

"Kyaaaaaahhhhh, siguradong magiging best-selling ang mga cakes mo Jake. Kapag may bakeshop ka na, pwede bang mag-apply sayo?"

"Shin, hindi mo pa nga natitikman pini- praise mo na ako. Tikman mo muna."

Tama naman si Jake, hindi ko pa natitikman. Hahaha. Pero nang tikman ko ay nagustuhan ko talaga, hindi masyadong sweet. Sakto lang sa taste buds ko.

"I like it, not too sweet."  Comment ko after matikman ang  cake ni Jake.

"I'll make it sweeter for you next time."

"No Jake, okay na 'to, ang yummy-yummy!!"

Masaya ako at wala na siguro akong mahihiling pa, kailangan ko na lang pagbutihin pa lalo ang mga ginagawa ko para matupad ang mga pangarap ko, hindi para lang sa akin para na rin kay Jake. Nag-promised ako kay Auntie Mira na gagawin ko ang lahat para maging worthy ako kay Jake.

"Shin kailangan mo rin mag-relax. Don't push yourself too much. Huwag mong masyadong pinapagod ang sarili mo. Ayaw kong magkasakit ka."

"Don't worry kaya ko pa naman. At saka I have to keep my promise na aalagaan kita, di ba? Hindi pwedeng ako lang parati ang inaalagaan mo Jake, dapat ako din inaalagaan kita."

"Ang sweet mo Shin, pero wala naman akong reklamo kung paano mo ako inaalagaan ngayon. Masaya ako sa ginagawa mo para sa akin."

Inakap ako ni Jake, gustong-gusto ko kapag inaakap niya ako. Iba ang feels, napaka warm kasi ng katawan niya, napaka positive ng effect sa akin.

"Salamat Shin, habang buhay ikaw lang ang gusto kong makasama. Ikaw ang nag-iisang true love ko."

Ayeeeehhh!!!

Malapit na ang birthday ni Jake at gusto kong paghandaan iyon. Pinag- iisipan ko kung anong ibibigay kong gift sa kanya. Pero wala akong maisip.

Last birthday niya ay inaya lang niya akong uminom na ang ending ay nagtampo lang siya sa akin dahil may nasabi daw ako na hindi ko naman matandaan.

"Jake, naalala mo nung last birthday mo? Sabi mo may sinabi ako sayo na hindi ko naman matandaan. Ano ba talaga ang sinabi ko?"

"Huh??!!" Hindi niya expected na itatanong ko ito.

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now