True Love 8

42 9 0
                                    

True Love 8

"Jake anong nangyari sa mukha mo? Nakipag-away ka ba?" Tanong ni Auntie Mira.

"Yes Ma!"

Patay anong gagawin namin? Paano kung magalit si auntie?

"Nanalo ka ba?"

"Syempre naman ma!!!"

"Okay, ang importante ikaw ang panalo."

Ah... hahaha, mabuti na lang cool mom si Auntie Mira.

"Shin, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni Auntie Mira.

"Wala naman po auntie."

"Pwede mo ba akong samahan sa grocery store?"

"Sige po, tatawagin ko lang po si Jake."

Pinigilan ako ni Auntie Mira.

"Secret date na rin natin ito Shin, tayong dalawa lang. Hayaan mo si Jake."

Huhhhh!!!???

"Sige po, auntie."

After naming mabili ang mga kailangan sa bahay ay nag-aya si Auntie Mira na mag-coffee muna kami.

"Shin, anong plano mo after graduation?"

"Gusto ko po sanang subukang mabuhay at tumayo sa sarili kong mga paa, auntie. Masyado ko na po kayong inabala. Baka maghanap po ako ng part time job, magwo-working student po ako."

"Shin, naging masaya ka ba na kasama kami? Kung may pagkukulang ako, humihingi ako ng pasensya Shin."

"Auntie, wala po kayong naging pagkukulang. Inalagaan nyo po, binigyan ng maayos na tirahan, binigyan ng masasarap na pagkain. Subrang naging masaya po ako kasama kayo."

"Ay Shih...mabuti kung ganun."

Okay lang ba kung tanungin ko si Auntie Mira?

"Auntie, bakit nyo po ako kinupkop?"

Hinawakan ni Auntie Mira ang mga kamay ko.

"Shin, naalala mo pa ba nung nasa hospital tayo? Umiiyak ka, hinahanap mo ang mama at papa mo."

"Bestfriend ko ang mama Joanna mo, naalala ko ang madalas niyang sinasabi sa akin na ayaw niya magaya ka sa kanilang dalawa ng daddy mo, pareho kasi silang ulila. Sa ampunan sila lumaki. Hindi kakayanin ng konsensya ko na magaya ka sa kanila, kaya kinupkop kita."

Naiiyak ako. Subrang laki ng utang na loob ko kina Auntie Mira at Jake.

"Wala akong regrets na inalagaan kita Shin. Nagbigay ka sa buhay ko ng kakaibang saya. Pakiramdam ko nga hindi naging sapat ang atensiyon na naibigay ko sayo."

"Auntie, subrang sapat po ang mga naibigay nyo sa akin. Hindi-hindi ko po makalimutan ang mga iyon. Maraming-maraming salamat po."

Tagos sa puso ko ang mga sinabi ko.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay nagkukwentuhan kami ni Auntie Mira.

"Naku Shin, maigi na lang nagmana ka sa daddy mo. Siguro kung kay Joanna ka nagmana baka lagi na lang akong nasa police station. Hahaha!!!"

"Hahaha, ganun po ba si mama?"

"SAAN KAYO GALING?" Tanong ni Jake. Nakasimangot ito.

"Nagdate kami ni Shin." Sabi ni Auntie Mira.

Yikes!!! Akala ko ba secret namin kay Jake, bakit niya sinabi?

"Next time tayo naman ang magdate Shin." Bulong ni Jake.

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now