True Love 18

28 3 0
                                    

True Love 18

Okay na kami ni Jake. Hindi na siya galit.

"Kai...." Tawag ko kay Kai.

"Wow, Shin!! Mukhang okay ka na?"

"Thank you Kai, sinunod ko ang payo mo, okay na kami ni Jake." Bulong ko kay Kai.

"Wala yun Shin, hahaha, sabi sayo eh. Maigi nakinig ka sa akin, hahahha!! Happy ako para sayo." Si Kai.

"Anong pinagbubulongan nyo dyan?" Kunot nuong tanong ni Jake.

"Wala-wala, may tinanong lang ako kay Shin." Sabi ni Kai.

"Jake anong kakainin natin for dinner?" Tanong ko kay Jake.

"Pwede mo akong kainin mamaya Shin..." Bulong ni Jake.

KYAAAAAHHHHHH!! Ang lande ni Jake, subrang pula ng mukha ko, sigurado iyan.

"HAHAHAHA!!!! Joke lang Shin. Bili na lang muna tayo para mamaya, wala na tayong stocks. Let's buy some groceries this weekend na lang siguro." Natatawang sabi ni Jake.

"Ehhhhh," hindi ako makapagsalita. Lakas ng kaba ko. "Sige..."

Tumuloy kami ni Jake sa sikat na convenience store na may mga packed and ready to eat meals.

Nakakahiya kapag nalaman 'to ni Auntie Mira, nag-promised pa naman ako sa kanya na healthy foods ang kakainin namin ni Jake palagi. Nakakahiya dahil hindi ko maipaghanda ng pagkain si Jake. Dapat sana ay ipinagluluto ko siya gaya ng ginagawa ko dati nung sa kanilang bahay pa kami nakatira.

Pumili ako ng pwede kong kainin. Ganun din si Jake.  Chicken barbeque ang napili ko na may kasama ng kanin at side salad. Pwede na 'to.

"Shin, iyan lang ang kakainin mo?" Tanong ni Jake.

Actually nagugutom talaga ako, pero dapat magtipid din kami ni Jake.

"Gusto ko sana ng donut at siopao? At iced coffee." Yikessss, gutom much talaga ako.

"Shin, get whatever you want. Kainin mong gusto mo."

Kumuha ako ng donut at siopao, iced coffee, bukod pa sa food packed na binili ko.

"Jake, sorry...ang dami ata ng binili ko." Nakakahiya kay Jake kasi siya ang magbabayad ng bill.

Jake smiled, ginulo niya ang buhok ko. "Okay lang, pwede ba namang gutumin kita? Sabi ko sayo di ba, kainin mo ang gusto mo, kahit ako."

Hahahaha! Ayan na naman siya....

Ayeeeeeeh!!! Kilig.

"Jake, ako nang magdadala." Kinukuha ko ang mga pinamili namin pero ayaw ni Jake, siya na ang nagbayad siya pa ang nagbitbit. Saan pa ako makakahanap ng boyfriend na kagaya ni Jake, di ba?

"Ako na Shin."

"Ohmmm, sige. Jake....." May gusto akong itanong, actually matagal ko na itong gustong itanong sa kanya, humahanap lang ako ng magandang pagkakataon.

May nakita kasi ako sa wallet niya nung kumuha siya ng pera para magbayad sa cashier. Picture naming dalawa, noong mga bata pa kami.

"Pwedeng mahiram ang wallet mo?" Tanong ko kay Jake.

Ibinigay naman niya sa akin.

Tiningnan ko ang picture namin ni Jake.

Ang tagal na nito, itinago niya talaga? Sabi ni Jake, matagal na siyang may gusto sa akin, kailan naman kaya iyon nagsimula?

Ang tagal kaya naming hindi nagkibuan. Halos hindi nga kami nagpapasinan. Ang alam ko nga ayaw niya sa akin. Nakakagulat talaga na may gusto pala siya sa akin. Kung tutuusin ano namang kayang magugustuhan niya sa kagaya ko? Alam naman niya ang sitwasyon ko, walang magulang, walang pamilya, kung hindi dahil sa kanyang mommy, asan naman kaya ako ngayon?

"Shin, tapos ka na sa wallet ko?"

Hehehe, nahihiya ba siya kasi alam ko na ang secret niya. Akalain mong ang kagaya niya sentimental din pala, marunong mag-ingat ng picture na kagaya nito?

"Saglit na lang, tinitingan ko pa."

Ang gwapo talaga ni Jake, guwapo na siya kahit mga bata pa lang kami.

"Jake, gusto ko rin ng picture natin na 'to."

"Sige, ipagpi-print kita."

"Thanks Jake!"

Hindi ko na-imagine na magiging ganito kami ni Jake, magkarelasyon. Naging maayos na ang lahat para sa aming dalawa.

Naalala ko nung araw na dinala ako ni Auntie Mira sa bahay nila at sinabi niya kay Jake na magiging magkapatid kami, galit na galit si Jake noon.

"Umm, Jake, bakit galit na galit ka nung dinala ako ni Auntie Mira sa bahay ninyo? Sabi mo ayaw mo kong maging kapatid. Bakit ayaw mo sa akin?" .

Ito ang matagal ko nang gustong itanong sa kanya.

"Shin, paanong....?"

"Hindi ko sinasadya, narinig ko kayo ni Auntie Mira noon. Galit na galit ka. Natakot nga ako noon sa iyo. Nagalit ka sa mommy mo dahil sa akin."

"Shin, kaya ba lumayo ka sa akin noon? Kaya ba iniwasan mo ko? Dahil akala mo ayaw ko sayo?"

"Ahh, oo  kasi..."

"Shin, I'm sorry, kasalanan ko. Hindi totoong ayaw ko sayo. Ayaw kong maging magkapatid tayo kasi I want to marry you one day. On the contrary gustong-gusto kitang pakasalan."

HUHHHH???!!! Ganun??? Kyaaahhhh mga bata pa lang kami noon pero gusto na niya akong pakasalan??!! Hehehe!! Kakilig!!!

Ngayon malinaw na ang lahat.

Kaya naman kailangan kong magsumikap, pabutihin ko lalo ang mga ginagawa ko.

Gusto kong bumawi sa kanya. Somehow may kasalanan din ako dahil nagkamali ako ng akala sa kanya. Akala ko talaga ayaw niya sa akin kaya iniwasan ko siya. Akala naman ni Jake ayaw ko sa kanya kaya umiwas din siya sa akin.

"Jake, mag-date kaya tayo after ng exams natin?" Yikess, nilakasan ko na talaga ang loob ko.

"Oo naman Shin, magandang idea yan!!" Nagustuhan subra ni Jake ang suggestion. Ayeeeee!!!

Naputol lang ang pag-uusap namin ni Jake ng magring ang cellphone ko.

Tumatawag si Auntie Mira para kamustahin siguro kami ni Jake? Medyo nagkasakit daw siya ng ilang araw.

"Auntie, kamusta na po ang pakiramdam ninyo? May sipon pa po ba kayo?" Nag-aalala ako kay Auntie Mira dahil mag-isa na lamang siya sa bahay.

"Medyo okay na ako Shin, maigi na lang may kagaya mo. Ikaw lang ata ang nag-aalala sa akin."

"Auntie, nag-aalala din po si Jake. Kinakamusta din po niya kayo. Pagaling daw po kayo at uminom ng vitamins araw-araw. Huwag daw po kayong masyadong magpagod."

"Naku Shin, kahit alam kong ikaw lang ang nagsabi niyan para kay Jake, masaya na rin ako."

Kyaaaaahhh!!! Alam talaga ni auntie na gawa-gawa ko lang iyon? Si Jake kasi, hayssst!

"Shin, magkita naman tayo one of these days, baka makalimutan ko na ang mga mukha ninyo. Sabihan mo si Jake."

"Yes auntie. Sige po."

Nagpaalam na si Auntie Mira dahil may meeting pa daw siya.

Kailangnag iremind ko ulit si Jake, sinabihan ko na siya dati pero malamang never naman niyang ginawa.

"Jake, dapat tinatawagan mo ang mommy mo, di ba sinabi ko na iyan sayo? Ginawa mo ba?"

"Nagkaka-usap naman kayo Shin, okay na yun."

"Pero Jake, iba pa rin kung ikaw mismo ang tatawag sa kanya." Minsan matigas din talaga ang ulo ni Jake.

"Shin, to be honest hindi talaga kami gaanong close ni mommy. Maigi nga naandyan ka para sa aming dalawa."

"Huh??!!!"

Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Jake.

Hindi ko alam na may ganung isyu si Jake sa mommy niya.

Bakit hindi ko iyon napansin? 




























RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon