True Love 16

25 3 0
                                    

True Love 16

Magkasama sina Jake at Kai sa group project. Nakakainggit. Mabuti pa sila. Dahil matalino si Jake siguradong magiging maayos ang project nila.

Ako, si Yuri, si Jeannie at Yong ang magkagrupo.

"Kyaaah!!! Shin magka- group tayo. I'm excited!!" Sabi ni Jeannie.

"Umm, oo..." sabi ko.

"Okay, group 5! Let's work hard!!!" Sabi ni Jeannie.

Sana maging okay ang grupo namin.

Pag-uwi ko ng bahay parang pagod na pagod ako. Grabe ibang-iba pala talaga kapag college ka na. Mas mabigat na ang responsibility.

"Shin!!!!!"

"Jake!!! Ginulat mo ko!!"

Ipinatong ni Jake ang ulo niya sa hita ko.

"Ang lalim ng iniisip mo, Shin."

"Iniisip kasi kita, hehehe!!!"

"Shin, ginu- good time mo 'ko???" Kiniliti ako ni Jake.

"Hahahaha!!!"

Nahinto lang kami ng mag-ring ang cellphone ko. Si Auntie Mira ang tumatawag.

"Hello po...."

"Hi Shin, kamusta? Nag-dinner na ba kayo?"

"Okay lang po kami, tapos na po kaming mag-dinner. Kayo po auntie, kumain na po ba kayo?"

"Tapos na rin, pauwi na ko from work. How's college life? Kaya pa ba?"

"Okay naman po, kaya pa. Hehe. Ka-start pa lang po kasi."

"Kunsabagay, kapag puro assignments and projects na kayo, andun na ang tunay na hirap. Pero kahit gaano man kayo ka-busy sa school make sure na kumakain kayo ng mabuti."

"Yes po auntie, kayo din po, huwag ninyong pababayaan ang sarili nyo."

"Salamat Shin, si Jake nandiyan ba?"

"Yes po auntie, wait lang po.."

"Next time na lang Shin, magda-drive na kasi ako. Mag-ingat kayo lagi. Tatawag na lang ulit ako."

"Um, sige auntie. Ingat po kayo sa pag-uwi."

"Jake, dapat tinatawagan mo rin ang mommy mo...." sabi ko kay Jake after naming mag-usap ng mommy niya.

"Tumatawag naman siya sayo, okay na yun."

"Iba naman ako, iba ka. Syempre nami-miss ka rin niya, only child ka eh. Nag-aalala syempre siya sayo."

"Sige...pero kasama naman kita, wala siyang dapat ipag-alala."

As if naman alam na ni Auntie Mira ang tungkol sa relationship namin?

Sa school kaming tatlo nina Jake at Kai ang palaging magkakasama.

"Nakakatamad gumising ng maaga para lamang pumasok. Sana nasa highschool pa rin tayo." Reklamo ni Kai.

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now