True Love 5

69 9 1
                                    

True Love 5

"Jake...."

"Ohmmm, bakit?"

"Okay ka lang ba? Inaway ka ba ni Jomong?"

"Huwag mong isipin ang baliw na iyon!"

"Jake hindi ka ba takot sa kanya?"

"Bakit ako matatakot sa kanya?" Cool na tanong ni Jake.

Sana lang kagaya niya ako, kayang ipagtanggol ang sarili.

"Shin...."

"Huh?"

"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni Jake.

"Nga... ngayon?"

"Kung may gagawin ka ay okay lang."

"Ahmmm, wala naman akong gagawin."

Bakit kaya niya ako tinatanong?

"Shin, saglit lang. Hintayin mo ako."

"Okay lang sige, hintayin na lang kita dito."  Naupo muna ako sa upuang bato.

Nanuod ako sa mga batang naglalaro. Naalala ko noong mga bata pa kami ni Jake.

"Shin, gusto mo ba ako." Seven years old pa si Jake noon.

"Oo naman, gusto kita Jake." Seven years old lang din ako.

GUSTO KITA JAKE!!!

Ano bang naiisip ko? Bakit binabalikan ko pa iyon?

Nakakahiya, paano kung malaman ni Jake?

"Shin, okay ka lang? Namumula amg mukha mo?" Tanong ni Jake, nakabalik na pala siya.

"Ok.. okay lang ako. Hehe, Medyo mainit lang kaya siguro ako namumula." Dahilan ko.

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako kay Jake.

"Halika, sumama ka sa akin." Hinila ako ni Jake. Wala akong idea kung saan kami pupunta.

Dinala niya ako sa isang café.

"Shin, hanap ka na nang mauupuan natin. Ako nang mag- oorder."

"Ah, sige..."

Hindi naman ako nahirapang makahanap ng bakanteng mesa.

Wow!!! Mukha kasing masarap ang lahat ng inorder ni Jake?

"Magkanung share ko?" Tanong ko kay Jake.

"Treat ko to Shin, dahil sinamahan mo ko."

Ganun? Dahil lang sinamahan ko siya? Madami na akong utang kay Jake, dapat bumawi ako sa kanya.

"Salamat Jake." Mahilig talaga ako sa cake.

"Wala yan, sige na kumain ka na."

Dati ini-imagine ko lang ang ganito, yung magkasama kami ni Jake. Kakain sa labas kagaya ngayon. Sabay kamimg uuwi ng bahay. Magkasama kaming mamasyal.

"Shin, bakit ka ngumingiti?" Tanong ni Jake sa akin. Ngumingiti na pala ako nang hindi ko sinasadya?

Ang awkward!!!

"Ang sarap kasi ng cake, lahat gusto ko." Dahilan ko.

"Kung ganun, gusto mo,  palagi na kitang ililibre?"

"Ha!?"

Nakakahiya, hindi naman ganun ang ibig-sabihin ko.

Nag-concentrate na lang ako sa pagkain ng cake. Halos maubos ko nga ang lahat ng inorder ni Jake.

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now