True Love 9

40 7 0
                                    

True Love 9

JAKE'S POV:

Muntikan na akong mahuli ni Shin dahil sa kapabayaan ko. Naiwanan ko kasi ang wallet ko.

May sekreto kasi ako sa wallet ko na ayaw ko pang malaman ni Shin.

Ang picture naming dalawa noong mga bata pa kami. Matagal ko nang iniingatan ito, kumbaga precious possession ko ito.

Tinitigan ko ang picture namin ni Shin. Bata pa lang siya ay cute na talaga siya.

Kay Lola Dang ako nakatira noong bata pa ako, mother siya ni mama. Si lola halos ang nagpalaki sa akin.

Masyadong busy sa work sina mama at papa. Si papa ang mas madalas dumalaw sa akin compared kay mama.

Gustong-gusto kong makasama si mama. I was always curious about her.

"Lola, may mommy po ba ako?" Tanong ko kay Lola Dang, bata pa ako noon kaya wala pa akong naiintindahan sa sitwasyon.

"Jake apo, oo naman may mommy ka."

"Pero bakit po hindi niya ako dinadalaw." Hindi ko maitago sa boses ko na nagtatampo ako.

"Masyadong busy sa trabaho niya ang mommy mo Jake, pero sigurado akong miss na miss ka niya palagi." Sabi ni lola na alam kong pampalubag loob ko lamang iyong sinabi niya.

Tanda ko pa, seven years old ako noon, dumating si mama sa bahay ni lola.

"Mama, nasaan po si Jake."

"Mira, bakit hindi ka nagpasabi na darating ka?"

"Kukunin ko na po si Jake."

"Anong kukunin mo si Jake? Mira, saan kayo pupunta?"

Ngayon ko lang ulit nakita si mama after ng matagal na panahon.

"Jake....."

Nakatingin lang ako kay mama.

"Jake....aalis na tayo dito."

Naguluhan ako, paano si lola? Iiwanan ba namin siya?

"Lola...." umakap ako kay Lola Dang.

"Mira, sandali nga lang. Tinatakot mo ang bata. Saglit lang at papalitan ko ang suot na damit ni Jake."

"Mama, sige ho pero nagmamadali ho ako."

Kinausap ako ni lola habang pinapalitan niya ang damit ko.

"Jake, di ba apo sabi mo sa akin namimiss mo ang mommy mo?"

Tumango ako kay lola.

"Dumating siya ngayon para makasama ka, para ipasyal ka apo."

Habang nasa sasakyan kami ni mama pakiramdam ko mainit ang ulo niya.

Madami akong gustong sabihin sa kanya pero natatakot ako. Tahimik lang din kasi siya. Hindi niya ako kinakausap hanggang makarating kami sa aming pupuntahan.

"Mira!!!" Tawag ng isang babae kay mama.

"Joanne...." Tinawag ni mama ng Joanne yung babae.

Nakilala ko si Shin ng oras na iyon.

"Hehe, ako si Shin."

"Wow!!! Hi Shin, kamukhang -kamukha mo ang mommy mo." Sabi ni mama kay Shin.

"Jake, mag-hi ka kay Shin." Utos ni mama sa akin.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nagalit si mama dahil akala niya ayaw ko siyang sundin.

"Mira relax, nahihiya lang siguro si Jake." Sabi ng mama ni Shin.

"Jake, ako si Auntie Joanne, friends kami ng mama mo. Pwede bang maging friends din tayong dalawa?" Mabait si Auntie Joanne.

Tumango ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Nahihiya ako.

"Shin, maglaro muna kayo ni Jake. May pag-uusapan lang kami ng Auntie Mira mo." Utos ni Auntie Joanne kay Shin.

Hinila ako ni Shin at inayang maglaro sa kuwarto niya. Mabait si Shin, ito ang first impression ko sa kanya.

"Jake anong gusto mong laruin? Ano ang paborito mong nilalaro?" Tanong ni Shin.

"Hindi ko alam...." Sagot ko, dahil hindi ko talaga alam.

"Anong madalas mong nilalaro sa school kasama ang mga classmates mo?" Tanong ni Shin.

SCHOOL!!!? Hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin ng school noon, paano hindi ako pumapasok sa school, sa bahay pumupunta ang teacher ko para turuan ako.

"Ganun ba!!? Wala akong classmates and friends." Nahihiya kong sabi kay Shin.

"Kung ganun Jake, pwede ba tayong maging friends? Kalilipat lang din namin dito ni mama, wala pa din akong friends dito." Sabi ni Shin.

Si Shin ang pinaka-una kong kaibigan.

Naging mas madalas ang pagkikita nina mama at Auntie Joanne. Naging madalas din ang pagkikita namin ni Shin.

Naging malapit kami ni Shin sa isat-isa. Madalas pinuprotektahan niya ako. Gusto ko laging kasama si Shin.

Lagi akong excited kapag sinabi ni mama na pupunta kami kina Shin. Gusto-gusto kong kasama sina Auntie Joanne at Shin. Gustong-gusto kong makita si Shin.

Madalas ikinukwento ko kay Lola Dang si Shin. Hindi ako nauubusan ng kwento tungkol sa kanya.

Kahit magkasama na kami ni mama ang pakiramdam ko hindi niya ako masyadong gusto. Malayo ang loob niya sa akin.

Madalas malungkot lang ako. Masaya lang ako kapag kasama ko sina Shin at Auntie Joanne.

Dumadalaw din sina Shin sa bahay namin.

"Jake, ang laki naman ng room mo? Mas malaki pa ito kesa buong bahay namin." Namamanghang sabi ni Shin.

"Mag-isa ka lang sa kuwarto mo?" Tanong ni Shin.

"Oo...." Sagot ko.

"Hindi ka natatakot matulog mag-isa?"

"Bakit ikaw ba?" Balik tanong ko kay Shin.

"Hindi, hehehe, kasi magkakatabi kami nina mama at papa kung matulog."

Ganun ba? Never naming ginawa iyon nina mama at papa, ang matulog nang magkakatabi. Naiinggit ako kay Shin. Maigi pa siya, alam kong mahal na mahal siya ng mama at papa niya.

Pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ko. Sana kagaya na lang din ng kay Shin ang pamilya ko.

"Jake, okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Subrang pag-aalala ni Shin sa akin.

"Ayaw sa akin ni mama, galit siya sa akin." Bigla kong nasabi kay Shin.

"Jake...baka nagkakamali ka lang?"

"Narinig ko si mama, kausap niya ang mama mo Shin.Gusto sana ni mama na magpakasal tayo paglaki natin kaso lalaki ako. Kaya galit siya sa akin. Mas gusto sana niya na naging babae ang anak niya at hindi ako."

"Jake...bakit naman hindi tayo pwedeng magpakasal? Kung gusto natin pareho ang isat-isa sigurado akong pwede tayong magpakasal."

"Shin....gusto mo ba ako?" Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko, paano kung sabihin ni Shin na hindi?

"Gusto kita Jake, gustong-gusto kita."

Nakahinga ako nang maluwag. Subrang pasalamat ko dahil iyon ang sinabi ni Shin. Wala akong pakialam kung sinabi lang iyon ni Shin dahil gusto niyang pagaanin ang feelings ko. Ang alam ko lang ay napakasaya ko dahil gusto niya ako.

"Ikaw Jake, gusto mo din ba ako?" Tanong ni Shin.

"Shin, gustong-gusto rin kita."

At sigurado akong wala na akong magugustuhan bukod sa iyo habambuhay!!!













RIGHT THERE NEXT TO YOUKde žijí příběhy. Začni objevovat