True Love 13

32 4 1
                                    

True Love 13

SHIN'S POV:

Dati bahay-school, school-bahay lang ako, ngayon kailangan ko pa munang tumambay sa library para lang iwasan si Jake. Hindi pa ako ready na makipag-ayos sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko iyon sisimulan?

Siguro napansin na ni Jake na iniiwasan ko siya? Ayaw kong saktan si Jake pero hindi madali ang sitwasyon namin.

Gusto ko munang mag-isip nang mabuti kung anong nararamdaman ko? Alam kong may kakaiba akong nararamdaman pero hindi ako sigurado kung ano ito?

Never pa akong nagkagusto sa iba, kaya hindi ko alam kung ano ang feelings na ito.

May gusto ba ako kay Jake?
Kung meron nga, hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. Useless na rin naman para alalahanin ko pa kung kelan nagsimulang magustuhan ko si Jake.

Mabuti sa akin si Jake, bata pa lang kami ay ipinaramdam niya sa akin na special ako sa kanya. Pero sapat na ba iyon? Paano si auntie, paano kapag malaman niya, paano kung hindi siya sumang-ayon? Kailangang isipin ko rin ang mararamdaman ni Auntie Mira. Inalagaan niya ako, minahal na parang tunay na anak, hindi tamang sama ng loob ang igaganti ko sa kanya. Pangako ko, habang buhay kong tatanawing utang na loob sa kanya ang ginawa niyang pagkupkop sa akin.

Iniiwasan ko si Jake pero hindi pa rin siya maalis sa isip ko. Lagi ko pa rin siyang iniisip. Special din talaga sa akin si Jake, hindi ko iyan pwedeng itanggi. Siya lang naman ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko, kung hindi sana maagang nawala ang parents ko baka never nagkaroon ng gap sa pagitan namin ni Jake. Kaya lang kung kelan nagiging okay na kami ulit saka naman nangyari ang ganito.

"Delikadong maglakad ng nakayuko, Shin." Si Jake, nakatayo siya sa labas ng gate.

Hindi ko siya kaagad napansin dahil sa mga iniisip ko.

Hinihintay niya ba ako?

Nakakailang. Nagkatinginan lang kami sa isa't isa.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko?

"Shin, hindi mo na kailangang mag-stay sa labas ng subrang late dahil delikado. Pwede ka namang umuwi ng maaga, kung gusto mo talaga akong iwasan, ako na lang ang iiwas sayo. Mula bukas, please umuwi ka na ng maaga. Nag-aalala ako sayo."

Kahit kelan palaging iniisip ni Jake na protektahan ako. Priority niya ang kalagayan ko. Pero ako wala, ano bang kaya kong ibigay sa kanya?

"Jake, hindi mo kailangang gawin..."

"Okay lang, kaysa nagpapagabi ka sa labas Shin, para lamang umiwas sa akin."

"Jake...."

Wala akong masabi, palagi na lang ganito ako.

"Hinintay lang kita para sabihin sayo 'to. Sige na Shin mauna ka nang umuwi."

Okay lang ba sa akin na mag-stay si Jake sa labas para lang iwasan ako? Anong gagawin ko? Ayaw ko rin naman na siya ang mahihirapan.

"Jake....." tawag ko sa kanya pero nilampasan lang niya ako. Hindi ba niya ako narinig? Hinawakan ko siya sa kanyang damit para pigilan siyang umalis.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo, pero kasi....."

Humarap sa akin si Jake, tiningnan ako sa mata.

"Shin, alam kong iniisip mo si mommy. Natatakot ka na baka magalit siya. Pero Shin, malay naman natin di ba, baka maging masaya pa nga siya para sa ating dalawa. Pero kung hindi man ganun ang mangyari, pwede natin siya kausapin hanggang sa maintindihan niya tayo."

"Shin, pwede namang magkasama tayong dalawa na harapin ito. Ayaw kong mawala ka sa akin, sana ikaw din."

Tama naman si Jake, ang unfair ko kung hahayaan ko lang siyang mag-isa. May nararamdaman din ako sa kanya, kaya lang mas takot ako hindi kagaya niya na kayang ipaglaban ang kung anong nararamdaman niya.

Mabilis na lumapit ako kay Jake, umakap ako sa kanya.

"Jake, hindi ko alam kung tama ito pero, tama ka, pwede namang magkasama tayong dalawa na harapin ito. Hindi mo kailangang mag-isa. Sorry kasi naging duwag ako, sorry kung...."

"Shin, thank you. Thank you dahil naunawaan mo ako. Thank you dahil pinili mong maging matapang." Mas mahigpit ang akap ni Jake sa akin.

Naging okay na sa amin ni Jake ang lahat.

We're dating secretly. Alam ko naman na darating din ang tamang panahon para sabihin namin sa mga friends namin ang tungkol sa aming dalawa, lalo na kay Auntie Mira. Sa ngayon walang masama kung isekreto muna namin ang tungkol sa amin.

Naging mas lalong malambing at maalaga sa akin si Jake. Hindi siya takot iparamdam sa akin ang kanyang feelings. Ako naman sinisikap ko na mapasaya ko siya sa paraang alam ko. Alam kong sa kanya ako kumukuha ng lakas ng loob, hanggat nandiyan siya ay magiging matapang ako.

Madalas ninanakawan niya ako ng halik.

Kagaya ngayon nasa may pintuan pa lang kami ay hinalikan na niya ako.

"Jake.....!!!" Nagulat ako. Hindi man lang niya hinintay ma makapasok kami ng bahay. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag nating gagawin sa may pintuan?"

"Why not Shin, part of the house din naman ang pintuan. Hahaha." Ang kulit ni Jake.

"Ano ka ba, delikado pa rin. What if may makakita sa akin?" Kunwari nakasimangot kong sabi kay Jake.

"Shin sorry naman, pero hindi na ko makapaghintay eh."

Hahaha, ang cute ni Jake. Para siya seven years old pa lang.

"Ehhh, ayaw mo nun Jake, at least sa room natin pwede nating gawin ang lahat ng gusto......" shaksss, nakakahiya!!!! Anong sinasabi ko???

NAKAKAHIYA KAY JAKE!!!!

Baka isipin niya atat ako, huhuhu!!! Baka isipan niyang iyon pala ang iniisip ko!! Nakakahiya!!!

"Hahaha, Shin. Namumula ka!!! Hahaha, I like you very much Shin!!! Hahahaha!!"

MABILIS LUMIPAS ANG PANAHON!!!

"Congratulations!!!"

Graduation na namin ni Jake.

Napakasaya ni Auntie Mira dahil nakapasa kami pareho ni Jake sa college entrance examination.

"Jake......."

"Ohh?????" Hinihintay ni Jake ang sasabihin ko.

"I will try my best to be good enough para sayo, para din sa mommy mo." Sincere kong sabi kay Jake. "Sa ngayon wala pa akong lakas ng loob at kakayahan para ipagmalaki mo ako, sana maging matiyaga ka sa akin."

"Shin, take your time!! Maghihintay ako. Gustong-gusto kita Shin, hindi iyon magbabago!"

"Jake!!!! Gusto rin kita! Gustong-gusto rin kita!!"

Hindi rin ito magbabago!!!







RIGHT THERE NEXT TO YOUKde žijí příběhy. Začni objevovat