True Love 7

50 8 0
                                    

True Love 7

Nag-aalala ako para kay Jake. Nadamay na siya dahil sa akin.

Nagkataon pang magkasabay kaming pumasok nang gawin nina Jomong ang vandalism.

Baka kung ano na ang iniisip ng mga kaklase namin sa kanya.

"Jake, okay na ako. Pwede ka nang bumalik sa upuan mo." Bulong ko.

"Hindi okay sa akin Shin." Bulong din ni Jake.

Sigurado akong ako ang inaalala niya.

"Ayaw mo bang katabi ako?" Tanong ni Jake.

"Hindi sa ganun Jake, kaya lang...."

"Kaya lang....?"

Wala akong masabi kay Jake.

"So ayaw mo nga akong katabi?" I can sense the disappointment sa boses niya.

Tumingin ako kay Jake.

"Ang totoo, gusto kitang katabi Jake." Mahina kong sabi.

Ngumiti sa akin si Jake.

"Shin, ako din gusto ko katabi ka."

Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang init ng mukha ko.

Maigi na lang dumating si Kai at Ted, naputol ang awkward moment namin ni Jake.

"Jake, mag usap tayo!" Sabi ni Kai.

"Kai, chill ka lang." Bulong ni Ted.

"Sige, ano yun?' Si Jake.

"Huwag dito, doon tayo sa labas!"

Anong nangyayari? Anong sasabihin nila kay Jake?

"Kung may sasabihin kayo, dito na lang. Ayaw kong lumabas." Pumunta sina Jake sa may bandang likuran.

"Anong nangyayari sayo, Jake? Lumipat ka ng upuan? Pinag-uusapan ka na ng mga classmates natin pero mukhang balewala lang sayo?"

"Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin nila. As if kaya nilang magsalita sa akin nang harapan."

"Syempre, takot sila sayo Jake. Pero si Shin..."

"Kaya nga mula ngayon lagi ko nang sasamahan si Shin."

"Huh!!!!?" Hindi makapaniwala si Kai.

"Baka naman totoong..."

"Kai, tigilan mo ko!"

Grabe subrang nadamay na si Jake, pati sina Kai at Ted ini-interrogate siya.

"Hi Shin, okay ka lang?"

Ang alam ko siya si Janina, friend din siya ni Jake.

"Huwag mo silang pansinin, mga walang magawa lang ang mga yan."

First time na kinausap ako ni Janina.

"Hindi gay si Jake, in fact may naging girlfriend siya before."

So may naging girlfriend na pala si Jake? Kung sabagay kung tutuusin halos wala akong alam sa buhay ni Jake kahit pa nga magkasabay kaming lumaki at nakatira sa iisang bahay. Nakakalungkot lang.

"By the way, my name is Janina."

"Hi, kilala naman kita." Nakangiti kong sabi kay Janina.

"Ah, ok. Baka kako hindi." Nakangiti ring sabi ni Janina.

"Anong ginagawa mo dyan,!!?" Nakasimangot na tanong ni Jake kay Janina.

"Kinakaibigan ko si Shin, bakit bawal ba?" Sabi ni Janina.

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now