True Love 21

26 4 0
                                    

True Love 21

SHIN'S POV:

Sana maging okay na si Jake, he seems so burned out. Subrang hindi siya okay at nag-aalala ako.

Ano bang pwede kong gawin para Jake this time? Palagi siya sa tabi ko, para alagaan at protektahan ako. Ako naman ngayon ang may kailangang gawin para sa kanya.

Tinatawagan ko si Auntie Mira pero out of coverage area naman ang cellphone niya. Puntahan ko na lang kaya si auntie?

Magagalit kaya si Jake? Sabi niya kasi siya ang bahalang mag-ayos at huwag akong makikipagkita sa mommy niya.

Pero matitiis ko ba siyang makitang nagkakaganun na wala akong ginagawa? Bakit kailangang mag-isa siya sa problema niya?

Sa huli nagdesisyon akong umuwi at puntahan si Auntie Mira. Bahala na.

Ang tagal na since I came home, nakakapanibago.

Bakit magulo ang bahay pagpasok ko? Madami basyo ng beer in can? Anong nangyayari kay Auntie Mira, kaya ba hindi ko siya ma-contact?

I saw here sa kitchen at mag-isang umiinom.

"Auntie...." mahina kong tawag. Narinig naman niya.

"HUH??!! SHIN??!!!!"

Obviously nagulat siya. Hindi niya kasi alam na pupunta ako.

"Sorry auntie pumunta ako nang walang pasabi. I tried to call you po, nag-text din ako pero hindi kayo sumasagot. I'm so worried, auntie."

Tumayo si Auntie Mira at mabilis na inakap ako.

"Joanne...."

Tinawag ba ni auntie si mommy? Umiiyak ba siya?

"Hindi ko alam ang gagawin ko Johanne." Sabi ni Auntie Mira habang humihikbi.

Napagkamalan ni Auntie Mira na ako si mama?

"Auntie, si Shin po ito..."

Patuloy pa rin si auntie sa pag-iyak. Kinakausap pa rin niya ako na ang akala niya ako si mommy.

"Kung nandito ka lang friend sa tabi ko, sana alam ko ang gagawin ko. Sana tayong dalawa ang gagawa ng paraan. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko?"

Hinayaan ko lang muna siya, lasing kasi siya.

"Shin!!"

"Jake....??" nagulat ako dahil nandito na rin si Jake. Kadarating lang niya.

Mabilis na lumapit si Jake sa mommy niya at inilayo ito sa akin.

"Mom, anong ginagawa mo??!!!!" Sigaw ni Jake.

Naalimpungatan si Auntie Mira. Nagulat ito.

"Jake, nandito ka??!!!" Si auntie.

"Jake, wait. Masama ang pakiramdam ng mommy mo." Saway ko kay Jake.

"I'm sorry, Shin." Sabi ni Auntie Mira. "Akala ko ikaw si Joanne." Saka pa lang ma-realized ni auntie na ako ang kaharap niya.

Nakiusap ako kay Jake na ayusin muna namin si Auntie Mira. Pinagpahinga muna namin si auntie. Naglinis kami ni Jake ng mga kalat habang tulog ang kanyang mommy. Nagluto rin ako ng chicken soup para mawala ang hangover ni Auntie Mira.

Almost an hour ay gising na si auntie. Pinuntahan ko siya sa kuwarto niya para dalan ng chicken soup.

"Okay na ako Shin, medyo masakit lang ang ulo ko."

"Baka po kailangang dalin namin kayo sa hospital, auntie?"

"Don't worry Shin, hindi ko na kailangang pumunta sa hospital."

RIGHT THERE NEXT TO YOUWhere stories live. Discover now