True Love 14

30 5 2
                                    

True Love 14

"Auntie, tulungan ko na po kayo. Itatapon po ba ang mga ito?"

Busy si Auntie Mira sa paglilinis ng bahay.

"Naku, salamat Shin. Sige kailangan ko nga ng tulong mo."

"Auntie, mga bago pa po ang mga ito, itatapon na rin po ba ang mga ito?"

"Mga damit iyan ni Jake, halos ilang beses lang niya nagamit, ang bilis niyang lumaki. Wala nang magkasya sa kanya sa mga iyan."

Ayeeeeeeh!!! Mga damit pala ito ni Jake. May naisip ako.

"Auntie, pwede po bang akin na lang ang mga ito? Tingin ko pwede ko pang masuot ang mga 'to?"

Tiningnan ako ni Auntie Mira.

"Shin, ibibili na lang kita ng mga bagong damit. Hayaan mo na ang mga 'yan."

Pero gusto ko ang mga 'to kasi mga damit dati ito ni Jake.

"Auntie, sayang naman po kung itatapon lang ang mga ito. Pwede pa po ito sa akin. Hindi nyo na po ako kailangang ibili ng bago."

"Seryos ka Shin?"

Aheheeeeee, syempre hindi alam ni Auntie Mira ang tunay na reason kung bakit ko gustong kunin ang mga damit ni Jake.

Sa huli pumayag din siya.

Excited akong pumunta sa room ko para isukat ang mga damit ni Jake.

Maluwag sa akin pero ang comfortable niyang suotin. Kinikilig ako, hahaha!!!

Biglang pumasok si Jake, pareho kaming nagulat.

AWKWARD!!!!!!!

Yikesssss, nakita ni Jake na suot ko ang damit niya.

Napatulala si Jake, napalunok pa siya ng maraming beses, ako naman siguro super pula ng mukha ko. Nakakahiya!!!

Ano kayang iniisip ni Jake?

Busy si Jake sa cellphone niya. Ako naman kung anu-ano ang naiisip.

"Hasssssyt!!!" Ang lakas pala ng buntong hininga ko, narinig tuloy ni Jake.

"Anong problema?" Tanong ni Jake.

"Ah...hehe, wala."

Lumapit sa akin si Jake, hinawakan niya ang mukha ko.

"Ano nga Shin, sabihin mo na?"

"Ah eh kasi, naisip ko lang ang layo ata ng university, what if mag-dorm na lang ako?"

"Dorm?" Kunot nuong tanong ni Jake. "Shin, magkakalayo tayo?"

"Magiging mahirap ba? I mean long distance relationship...."

"Shin, ayaw ko!! Gusto ko magkasama tayo...pwede naman tayong magkasama, kumuha tayo ng isang condominium unit."

"Pero magiging magastos yun, Jake. "

"Pwede naman tayong humingi ng tulong kay mommy, siguradong tutulungan niya tayo."

"Naku, Jake huwag na! Ang mommy mo na nga ang nagbabayad ng tuition fee ko, ayaw ko nang dagdagan pa ang gastusin niya para sa akin."

" Pero Shin ayaw kong magkalayo tayo....."

Ako rin naman, ayaw kong magkalayo kami ni Jake.

Feeling ko masyadong pinuproblema ni Jake ang plano kong mag-dorm.

Inaya ako ni Jake dahil may pupuntahan daw kami.

"Jake, saan ba tayo pupunta?"

"You'll know, pagdating natin doon."

RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon