True Love 12

29 5 1
                                    

True Love 12

JAKE!!!! ANONG GINAGAWA MO KAY SHIN????!!!! BITIWAN MO SIYA!!! BAKIT MO SIYA SINASAKTAN???!!!!" Saway ni Aunti Mira kay Jake.

Mabuti na lang mali ang pagkaintindi ni Auntie Mira sa nakita niya sa amin ni Jake.

Pinakawalan ako ni Jake.

"Jake!!! Bumalik ka dito!!" Hindi pinansin ni Jake si Auntie Mira.

"Shin, okay ka lang? Sinaktan ka ba ni Jake?" Subrang nag-aalala si auntie sa akin.

"Auntie, okay lang po ako. Don't worry po, hindi kami nag-aaway ni Jake."

"Pero Shin nakita ko...."

"Pupunta na po muna ako sa kuwarto ko, sorry po talaga."

Mabilis akong bumalik sa kuwarto ko. Tuluyan na akong naiyak.

Paanong ganito na ang nangyari?

JAKE POV:

Naiinis ako sa aking sarili, subra!!

Paano ko iyon nagawa kay Shin??? Pinilit ko siya!!!

Hindi naman ganun ang gusto kong mangyari, hindi ko nakontrol ang sarili ko. Alam kong nagkamali ako.

Hindi ako gusto ni Shin!!

Pero kahit na, sana hindi ko pa rin iyon ginawa sa kanya.

Sorry Shin!!!

Kinabukasan, ang bigat ng pakiramdam ko. Nagi-guilty ako. Kamusta kaya si Shin?

"Ma, pumasok na ho ba si Shin?"

"Hindi pa siya lumalabas ng kuwarto niya."

"Huh!!!???"

"Pwede mo ba siyang puntahan at gisingin?"

Tumango lang ako kay mama.

"Shin..." Tawag ko. Walang sumasagot. "Shin, papasok na ako ng room mo."

Nakahiga pa si Shin sa kama niya, pero parang may mali sa kanya?

"Shin...." hindi siya kumikibo.

Hinawakan ko si Shin at subrang init niya. May lagnat si Shin.

"MOM, SI SHIN!!!" Natataranta kong sigaw.

Nagmamadaling pumunta si mommy sa kuwarto ni Shin.

"Bakit, anong nangyari sa kanya???"

"May sakit si Shin, mom kailangan siyang dalahin sa hospital!" Binuhat ko na si Shin. Wala pa rin siyang malay.

Si mama ang nagdala kay Shin sa hospital.

Hindi ako mapakali habang nasa school. Hindi ako makapag- concentrate sa mga lessons namin. Iniisip ko si Shin. Kamusta na kaya siya?

"Jake, okay ka lang?" Tanong ni Kai.

Hindi ko na siya nasagot dahil nataranta na ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si mama.

"Mom, kamusta si Shin???" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Okay na siya, nagpapahinga na siya sa bahay. Jake, pwede mo siyang bilihan ng chicken congee mamaya pag-uwi mo? Baka kasi gabihin ako mamaya ng pag-uwi. Pakainin mo siya pagdating mo."

"Ma, asan ka??!!!" Naiirita kong tanong kay Mama.

"Papasok na ako sa trabaho ko...."

"Ma naman, iiwanan mo si Shin kahit alam mong may sakit siya?" Hindi ko maiwasang hindi mainis kay mama.

RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon