Prologue

622 34 7
                                    

"Walang hiya ka! Tangina mo! Lumayas ka! Magsama kayo ng babae mo!"

Habang pauwi kami nila kuya galing paaralan, bumungad sa amin ang mga kapitbahay namin na nagkukumpulan sa harap ng bahay namin.

Nakarinig din kami ng sigaw, nakatinginan kami ni kuya dahil kilala namin ang boses na 'yon.

Agad kaming tumakbo papasok sa bahay. Medyo nahirapan pa nga kami dahil ang daming taong nakaharang sa gate.

Natigilan kami sa nakita, bmungad sa amin ang magulong bahay, ang mga gamit ay sira sira na.

Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Bakit sumisigaw si mama?

Hindi ko alam ang gagawin ko, parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

"Napakawalang hiya mo! Putang ina mo! Napakagago mo! 'Ni hindi mo man lang inisip ang mga anak mo, ha?! Napakahayop mong, gago ka!" Patuloy pa rin si mama sa pagsigaw at binabato niya si papa ng kung ano ano.

Nakita kong lumapit si kuya at pinipigilan si mama na saktan si papa. Unti unting may namumuong luha sa aking mga mata.

"Ma, huminahon ka muna. Pag-usapan natin 'to ng maayos, okay?" Pagpapakalma ni kuya kay mama.

"Paano ako hihinahon kung 'yang putang ina niyong ama ay nabuntis ang katrabaho niya! Ha?!" Napasinghap ako at napatakip ng bibig. Naramdaman kong sunod sunod na luha ang dumaloy sa aking pisngi.

Tumingin ako kay papa, nakita ko siyang nakaluhod at nakayuko.

Pa, what have you done?! Nabuntis niya ang katrabaho niya?! Parang hindi maproseso ng utak ko ang nalaman ko.

Bakit ganito? Sa loob ng ilang taon sobrang saya naming pamilya, sinasabi nga rin ng iba na perpekto ang pamilya namin.

Tapos ganito? Malalaman namin na may babae si papa? At ang malala pa ay nabuntis niya!

"Ano, Leo! Hindi pa ba kami sapat ha?! Hindi pa ba?! May tatlong anak kana! Hindi kana nahiya! Punyeta ka!" Sinugod ni mama si papa at pinaghahampas agad naman siyang inaawat ni kuya.

Parang nanlambot ang mga tuhod ko at napa-upo sa sahig dahil sa nasasaksihan ko.

"Ate!" Agad akong dinaluhan ng nakakabata naming kapatid.

Hindi ko maintindihan, bakit ganito? Paano nangyari 'to? Bakit?! Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Bakit?! Sino ba sa ating ang unang nanloko ha?! Diba ikaw?!" Natigilan si mama dahil sa sinabi ni papa.

"Akala mo hindi ko alam! Na may lalaki ka noon, ha?! Hindi ba nabuntis ka ng lalaking 'yon?!" Lahat kami natigilan.

Tangina?! Nanghina ang buong katawan ko sa narinig, naramdaman ko rin ang panginginig ng kamay ng aking kapatid sa balikat ko.

"A-ate," humagulgol siya sa balikat ko. Pati si kuya ay nanigas sa kaniyang kinatatayuan.

May lalaki si mama? Nabuntis siya? N-nabuntis?

"Akala mo hindi ko alam na tuwing wala kami ng mga anak mo, umaalis ka kasama ang lalaki mo! Ha?! Minsan nga iniimbitahan mo pa dito sa bahay!"

"Hindi totoo 'yan! Pinapasa mo lang sa akin! Para ano?! Maging malinis ka sa mga anak mo?!"

"Sige nga, sabihin mo sa akin kung bakit may damit ng lalaki sa damitan mo, ha?!  Kilala ko ang mga damit ko, Clarrisa!"

"T-tama po, please." Rinig kong bulong ng kapatid ko.

Natahimik si mama ng ilang minuto. Walang lumabas na mga salita sa bibig niya.

"Alam mo, mas mabuti nalang na maghiwalay na tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni papa. Unti unti siyang tumayo at pinunasan ang mga luha sa kaniyang mukha.

"Sawa na ako, Clarrisa. Hindi na ako masaya sa pamilya natin." Panibagong luha nanaman ang tumulo sa aking mga mata.

"Sige! Kung 'yan ang gusto mo! Ako rin naman, sawang sawa na ako! Hindi na rin ako masaya sa pamilya natin! Umalis kana! Magsama kayo ng babae mo!"

Hindi na sila masaya? So ano ang pinapakita nila dati? Acting lang ba 'yon? Ang mga biruan? Ang mga lambingan? Ang mga tawanan?

Hindi ba totoo lahat ng 'yon? Pinipilit lang ba nilang ang kanilang mga sarili na magsama dahil sa amin?

Bakit? Mabuti naman kaming mga anak, lahat ng inuutos nila, sinusunod namin, hindi naman nasasayang ang mga binabayad nila sa school dahil matataas naman ang mga grado namin.

Kahit kailan ay hindi namin sila binastos o sinagot ng pabalang.

Ito ba ang kapalit ng mga kasiyahan namin?

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon