Chapter 8

142 21 0
                                    

"Ate bakit hindi mo ako ginising kanina?" Nakangusong sabi ni Jazen.

"Masyado pang maaga nang umalis ako." I explained.

We are now eating dinner, si kuya na ang pinaluto ko dahil pagod na pagod ako kanina. Pagkahiga ko rin kanina ay nakatulog agad ako dahil sa sobrang pagod.

"Shay tinawagan na ako kanina ng isa sa  mga na-applyan ko. Wala nang kasama dito si Jazen."

"Sama nalang ako kuya." Singit ni Jazen.

"Hindi kita pwedeng isama doon." Napanguso naman siya.

"Sama ko nalang siya sa karinderya, try ko mag message kay tita Kiann kung pwede." Saad ko.

Sana payagan ako ni tita hindi ko kasi alam kung sino ang pwedeng magbatay sa kaniya.

Hindi naman pwedeng sa kapitbahay, hindi pa namin sila kilala talaga, hindi rin pwede kila tita Jhin dahil malayo layo ang bahay nila kung araw araw ko siyang ihahatid sundo ay sayang din ang pamasahe.

"Makiusap ka nalang, hindi naman 'to malikot." Napangiti si Jazen ng purihin siya ni kuya.

Nang matapos na kami kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan. Ang dalawa naman ay naglalaro ng mga laruan ni Jazen.

Bigla kong naalala ang ube cookies na binigay ni tita Kiann. Nagtira ako para tikman nila Jazen. For sure magugustuhan nila.

"Jazen, may pasalubong pala si ate sa inyo kunin mo sa bag." Agad naman siyang tumayo at pumuntang kwarto.

"What's this ate?" Lumabas siya at pinakita sa akin ang plastic na hawak niya.

"It's ube cookies, try it." Pinunasan ko ang mga kamay ko pagkatapos maghugas.

"It's so good ate!" Natawa ako nang napatalon talon pa siya nang matikman.

"Saan mo 'to binili?" Tanong ni kuya.

"Sa karinderya 'yan. Binigay sa amin." Sagot ko. Umakyat ako at tumabi sa kanila.

Napatitig ako kay Jazen, he looks happy despite what we are going through, his smiles and laughs are so pure.

Like we are not facing a big problem, for me siya ang pinaka-apektado sa aming tatlo.

Dahil isang araw ay nagising nalang siya na wala na sa tabi niya sina mama at papa, nagising nalang siya na kami nalang ang kasama niya.

Kaming tatlo nalang ang kumakain nang sabay sabay sa hapag at kaming tatlo nalang ang magkakasama sa isang bahay.

Minsan nakakatakot din ako because I don’t know what’s running through his mind.

I'm sure palagi niya pa ring naiisip sina mama. After malaman namin na may pamilya na si mama ay hindi na siya nagtanong kung kailan siya babalik.

Siguro dahil alam na niya ang sagot. He chose to remain silent.

Seeing him with his cute smiles make me happy but at the same time it makes me sad dahil naiisip ko na pinipilit niya lang maging masaya sa harap namin ni kuya.

Kasi siya lang ang pinagkukunan namin ng lakas, we are working hard to give him a better future even without our parents.

"Kailan ka raw magsisimulang magtrabaho?" Nandito kami ngayon ni kuya sa harap ng pinto, nakaupo.

Jazen is already asleep, pinatulog ko na siya ng maaga dahil isasabay siya ni kuya papuntang trabaho at idadaan nalang sa akin dahil dadaanan rin niya ang karinderya.

"Bukas daw." Sagot niya. "Ano pala sabi ng boss mo?"

"Pwede raw, buti nalang ay pinayagan ako." Kakausap ko lang kay tita Kiann kung pwede isama si Jazen, noong una ay hindi siya pumayag kaya naman sobra ang pagmamakaawa ko sa kaniya dahil hindi talaga pwedeng maiwan so Jazen magisa.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon