Chapter 7

153 20 0
                                    

Ilang minuto palang ang lumipas at sunod sunod nang nagsisidatingan ang mga costumers.

Ako ang inatasan para kumuha ng mga orders for take outs at nagbabalot ng mga pagkain sina Jhun at Sara naman ay ang kumuha ng mga orders at naghahatid ng mga pagkain sa mga nakadine in.

"Limang order ng sopas at dalawang order ng pansit." Mga basic na Filipino breakfast pa lang ang nakadisplay. Like sopas, lugaw, sunny side up eggs, hotdogs, pancit, spaghetti at marami pang iba.

Tumango ako at nilista ang mga order niya.

"Okay po." Pinahintay ko muna siya sa waiting area na nasa tabi lang ng counter.

Kinuha ko na rin ang mga orders ng mga taong nakapila. Pagkatapos ay isa isa ko nang pinagbabalot ang kanilang orders at ibigay sa kanila. Tinuruan din ako ni Sara kung gaano karami ang ilalagay sa plastic o sa plato.

Naging sobrang busy namin dahil sunod sunod ang pasok ng mga costumers, si tita Kiann naman ay nagluluto na ng mga putahe for lunch.

Eight na nang medyo kaunti na ang costumers kaya nagpahinga muna kaming tatlo.

"Grabe! Nakakapagod." Ani Sara habang minamasahe ang paa, sumakit na ito dahil sa pagpapabalik balik niya sa kusina at sa mga tables ng costumers at sa tagal nang nakatayo.

Kumain na rin kami ng breakfast dahil kaninang madaling araw pa ang kain namin. Buti nalang at libre ang pagkain namin kaya hindi na ibabawas sa sahod.

Putol putol lang ang pagkain namin dahil may dumarating pa rin na mga costumers.

"Jhun!" Rinig naming sigaw ni tita.

"Hoy tawag ka." Tumayo naman agad si Jhun at pasok sa kusina.

"Baka may ipapabili si tita." Sabi ni Sara habang pinupunasan ang mga bagong hugas na food tray.

"Matagal na ba kayo dito?" Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya.

She nodded. "Oo simula nang magbukas 'to nandito na kami."

"Gaano na ba katagal 'to?" I asked.

"Apat na buwan palang." She answered. "Ang sarap kasi ng mga luto ni tita na mga lutong bahay kaya laging binabalik balikan. Kahit noon tuwing may family gathering kami siya ang laging inaatasan na magluto ng mga handa."

"Actually dati ang binibenta ni tita ay mga Chinese foods pero hindi siya gaanong mabenta hindi kasi patok sa panlasa ng maramihan. Yung iba nga ay naghahanap ng Filipino foods kahit may nakalagay na sa tarpaulin namin sa labas ay Chinese Cuisine kaya sabi niya Filipino foods nalang ang ibebenta niya." Dagdag niya.

"Dalhin ko muna 'to kay tita." Tumango ako, dinala niya ang mga pinunasan namin sa loob ng kusina.

May mga pumasok na costumers kaya inasikaso ko muna. Pagkatapos kong kunin ang mga orders nila ay nilinis ko ang mga tables.

Malapit na mag lunch nang tawagin ako ni Sara para tulungan siyang ilabas ang mga pagkain for lunch.

Kumain na muna kami saglit ng lunch dahil baka after lunch pa kami makakain.

At dahil nga lunch na ay sunod sunod na nagsidatingan ang mga costumers. Puro dine in kaya pagod na pagod sina Sara dahil pabalik balik sa kusina para kunin ang mga orders. Lumabas na rin si tita sa kusina para tulungan kami.

Naawa nga ako sa kaniya dahil sobrang aga niyang nagsimula na magluto at ngayon lang siya tumigil sa pagluluto.

Salit salitan kami sa pagtulong sa kaniya sa pagluluto dahil napakarami ng putahe na lulutuin niya.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon