Chapter 10

131 19 0
                                    

Nang matapos si Jazen na kumain ay tinawag siya ni ate Rein kaya naman pumunta siya sa table nila.

"Ano name mo?" Rinig kong tanong ng babae. Nililinis ko ang table na pinagkainan ni Jazen.

"Jazen po." Magalang na sagot niya.

"Ako si ate Anastasia, tandaan mo okay?"

"Opo!" Sagot ulit ni Jazen. Pagkatapos kong linisan ang table ay pumunta na ulit ako sa counter.

Mukhang nagkakasundo naman ang mga kaklase ni ate Rein at Jazen kaya hinayaan ko muna siya doon para na rin hindi siya mainip.

Pagkatapos magpahinga ni Irina ay siya na ang pumalit sa counter at ako naman ay tinulungan si Jhun sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Sige na, Shay mag-ayos kana para makauwi ka at makapahinga nang maayos." Saad ni Jhun nang malapit na kami matapos sa paghuhugas.

"Sige, salamat." Pinupunasan ko muna ang kamay ko at inalis ang apron. Kinuha ko ang bag ko at pumasok sa cr.

Magpapalit ako nang damit dahil napawisan ito. Nilagay ko nalang sa isang plastic ang damit ko at lumabas na.

"Tita una na po ako." Paalam ko kay tita Kiann. Napatingin siya sa akin saglit at tumingin ulit sa niluluto niya. Busy pa rin siya sa pagluluto para sa dinner mamaya.

"Sige, mag-ingat kayo ni Jazen. Nga pala Shay wala muna kayong pasok sa lunes dahil may kailangan akong puntahan. Hindi muna tayo magbubukas."

"Opo, tita." Minsan pag may pinupuntahan si tita ay sinasara niya muna ang karinderya, isang araw lang naman. Ayaw niya rin ipagkatiwala sa iba ang mga lulutuin.

Bukas naman ay day off ko kaya dalawang araw ang pahinga.

Lumabas na ako ng kusina para puntahan si Jazen. Nakita kong nilalaro pa rin siya ng mga kaklase ni ate Rein.

"Ate!" Agad siyang lumapit nang makita ako. "Uuwi na tayo?" Tanong niya.

"Oo, kunin mo na ang bag mo." Utos ko. Agad naman niyang kinuha ang bag niya at sinuot sa balikat.

Lumapit sa amin si ate Rein. "Mag-ingat kayo, Shay."

"Opo, ate. Salamat." Hinawakan ko ang kamay ni Jazen. "Dito na po kami." Tumingin ako saglit sa mga kaklase ni ate at ngumiti.

Pumara kami ng tricycle at sumakay na. Sigurado akong pauwi na rin si kuya.

"Ate ano oras tayo aalis bukas?" Napatingin ako kay Jazen.

"Maaga, kaya matulog ka nang maaga mamaya kundi iiwan ka namin." Napanguso siya sa sinabi ko kaya natawa ako.

Bukas ay birthday ni tita Jhin pinapapunta kami sa bahay nila dahil may party daw.

Medyo matagal na rin nang pumunta kami sa bahay nila dahil busy na sa mga trabaho.

Si tita Jhin ang gumagabay sa amin kaya sobrang laki nang pasasalamat namin sa kaniya.

Pag magkasama si kuya at si kuya Nat ay laging may pinapadala si tita Jhin na mga pagkain para sa amin.

Kaya sobrang thankful kami sa pamilya ni tita Jhin dahil kahit hindi nila kami kadugo, kakakilala lang nila sa amin, hindi nila kami pinabayaan.

Pag-uwi namin ay agad akong nagsaing para sa dinner namin mamaya. Inutusan ko na rin maligo si Jazen dahil pawis na pawis siya kanina.

Pagkatapos kong magsaing ay natapos na rin s Jazen sa pagligo, kinuhanan ko na siya ng dami at pinasuot sa kaniya.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon