Chapter 6

145 20 0
                                    

Tahimik akong umiiyak habang pinapaypayan ko si Jazen.

Baka marinig niya ang iyak ko at magising, ayokong makita niya akong umiiyak.

I need to be strong in front of him dahil alam kong kami ni kuya ang kinukuhanan niya ng lakas pagkatapos nang mga nangyari.

Should I tell kuya about this? Or hayaan ko nalang na siya ang makakita?

Alam kong sobrang masasaktan din si kuya pag nakita niya na masaya sa si mama sa bago niyang pamilya.

They are so happy while we are suffering.

Inaamin kong galit ako kila mama at papa at nang makita ko 'yon ay mas lalo akong naawa kay Jazen dahil mukhang hindi na siya ang baby nila mama.

Si mama may bago nang aalagaan, ang nasa sinapupunan niya at ang batang lalaki na nasa picture na sa tingin ko ay mas bata kay Jazen.

Mas lalong namuo ang galit ko sa kanila.

Paano nila nagagawang matulog ng mahimbing habang kaming mga anak nila ay sobrang nahihirapan? Paano?

Paano nila kami nagawang kalimutan at iwanan ng ganon ganon nalang?

Edi sana hindi na nila kami binuo kung ganito rin pala ang gagawin nila. Edi sana hindi kami nahihirapan ng ganito.

Nagising ako ng naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko, si Jazen pala. Humarap siya sa akin at niyakap ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaiyak. Pinagpatuloy ko ang pagpapaypay kay Jazen dahil pawis na pawis nanaman siya.

Kinuha ko ang phone ko and I checked the time. It's already four forty-five.

Binuksan ko rin ang message ni kuya na thirty minutes ago pa.

Kuya:
Uuwi na ako maya maya, magsaing ka nalang may dala akong ulam pinadala ni tita Jhin.

Kanina pa 'to kaya for sure pauwi na 'yon. Dahan dahan kong tinggal ang braso ni Jazen sa bewang ko at bumaba muna para magsaing.

Saktong pagkasalang ko ng sinaing ay dumating naman si kuya.

"Oh, binigay ni tita Jhin." Nilapag niya sa lamesa ang isang plastic bag na ma lamang apat na mga tupperwares.

Nakayuko akong lumapit doon at isa isang nilabas ang mga tupperwares.

Namamaga kasi ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina ayokong makita 'yon ni kuya.

Pero mukhang napansin niya na hindi ako tumitingin sa kaniya.

"Shay, tumingin ka nga sa akin." Rinig kong utos niya.

Nanatili akong nakayuko. "Bakit?"

"Isa."

Napilitan akong tumingin sa kaniya. "Bakit ba?!" Inis kong tanong.

"Bakit ka umiyak?" Seryosong tanong niya.

"Hindi naman ako umiyak." Tumingin ulit ako sa mga tupperwares at isa isa itong binuksan.

"Wag mo akong lokohin, namamaga 'yang mata mo."

"Wala!"

"Wag ka sumigaw natutulog si Jazen." Mahinahon pero seryoso pa rin siya. "Sasabihin mo o sasabihin mo?"

May namumuo nanamang luha sa mga mata ko. Lumapit sa akin si kuya.

"Wala nga!" Galit kong sabi.

"Ano iiyak ka ng walang dahilan? Tanga ka ba?" Hinawakan niya ako sa balikat pinapinaharap sa kaniya.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon