Chapter 15

165 16 4
                                    

Naluha ako nang sabihin niya 'yon.

"Birthday mo pala!" Sabi ng isang lalaki.

"Kantahan natin!" Sabi naman ng tindera.

"Happy Birthday to you~" Pati si Jazen ay nakisabay din. Ayaw pa rin tumigil ng luha ko tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad.

"Yey! Happy Birthday!" Tinignan ko sila at ngumiti.

"Salamat po." Tumingin ako kay Jazen at niyakap siya. Nakalimutan kong birthday kona pala dahil ang laman ng isip ko ay si kuya.

"Sorry ate. I don't have candles," Sabi ni Jazen.

"It's okay." I kissed him in his cheeks. "I love you."

"I love you too, ate!"

"Ano wish mo?!" Sabi ng lalaking nasa harap ko.

"Wala ngang candles na ibo-blow, ano ka ba Jenzen!"  Sabi ng katabi niya.

"Ano naman?!" Inis na sabi ni Jenzen.

"Wish ko lang ay maging maayos na ang kuya ko." I smiled. At syempre maging maayos ang buhay naming magkakapatid.

"At dahil kaarawan mo, anong gusto niyo? Ililibre ko kayo." Lumawak ang ngiti ng dalawa at nagsimula nang magsabi ng mga gusto nila sa tindahan.

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila, hindi ko akalaing sila ang makakasama ko sa pagsalubong sa birthday ko.

Hindi ko naman sila gaanong kilala pero habang nag-uusap kami ay parang sobrang close na namin.

Pati si Jazen ay tuwang tuwa sa kanila, ang naging handa ko ay biscuits, mga tsitsirya at soft drinks.

Lumabas na rin ang tindera para sumama sa amin na kumain.

"Alam mo sobrang daming nagkakagusto sa kuya mo!" Sabi ni kuya Jon, ka-edad lang siya ni kuya at si Jenzen naman ay seventeen palang.

Natawa ako. Alam ko 'yon dahil tuwing sabay sabay kaming lumalabas ay nakikita ko ang mga babae ay nakatingin lagi kay kuya.

"Pinag-aagawan nga ang kuya mo! I mean gwapo naman talaga ang kuya mo at palakaibigan pa!" Dagdag niya.

Nagtagal ang aming kwentuhan hanggang alas-tes ng madaling araw, sakto ay papasok na ako sa karinderya.

Mabuti nalang at maaga ako natulog kaya medyo marami pa ang energy, nagkape nalang ako bago umalis.

Sinama ko na si Jazen dahil walang maiiwan sa kaniya dito sa bahay. Sumakay kami ng tricycle ni kuya Jon. Tricycle driver siya at nang malaman niyang papasok ako ay nag-alok siya na siya na daw ang maghahatid sa amin.

Pagdating namin ay as usual nandoon na si Sara, nagulat pa siya ng kasama ko si Jazen.

"Shay! Happy Birthday!" Bati niya.

"Salamat." Tinignan niya ako saglit at ngumiti.

"Tara na!" Hinila niya kami papasok sa loob. Kumpleto na silang lahat at nagpeprepare na para sa pagbukas ng karinderya.

Nang makita nila ako ay agad nila akong binati, pinaupo ko muna si Jazen sa isang tabi at binigay ko nalang sa kaniya ang phone ko.

Nagtulungan kami para mas lalong mapabilis ang mga gawain. Alas-singko na kaya naman binuksan na ni Jhun ang karinderya.

Lunch na at medyo nagulat ako nang dumating si ate Rein kasama ang kaniyang mga kaklase, sila ulit anim.

Kasama ni kuya Jasiah. I smiled when he looked at me.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon