Chapter 16

145 12 5
                                    

"Tita, salamat po."

"Kumain na ba kayo?" tanong niya.

"Opo kaninang lunch po," sagot ko. Kinuha ko ang bag ni Jazen na ginawa niyang unan at pinalitan ito ng unan.

"Kumusta na raw po si kuya?" tanong ko.

Natulog ulit siya dahil kulang na kulang pa ang tulog niya kanina. Nilipat din si kuya sa isang kwarto noong nakaraan kasi ay nasa isang kama lang siya, marami kaming kasama na pasyente sa iisang room.

"Hindi pa rin po ba siya nagigising, tita?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ni kuya.

Kakatapos lang ng operation niya kahapon, kinailangan na siyang operahan agad dahil baka mas lumala ang sitwasyon niya.

Kuya please fight, magpahinga ka muna ako na ang bahala gagawa ako ng paraan para sayo. Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Jazen.

"Hindi pa, hija. Sabi ng Doctor ay hindi natin alam kung kailan siya magigising pero mukhang matatagalan pa but I know you're kuya is fighting." medyo gumaan ang loob ko.

Yes, I know kuya is fighting hindi siya agad agad sumusuko.

Nagpaalam muna si tita na uuwi siya ng bahay nila kailangan na rin magpahinga dahil buong magdamag ay nandito siya.

Ako naman ay nagpahinga muna dahil pagod din ako galing sa trabaho. Umupo lang ako sa tabi ni Jazen.

Hindi mawala sa isip ko ang mga magulang namin, gusto kong humingi ng pera dahil walang wala talaga kami ngayon and for sure may mga kailangan pang bilhin na gamot kahit nasa bahay na kami.

And for sure matatagalan bago bumalik si kuya sa pagtatrabaho kaya ako muna. Nakakahiya naman kung lahat iaasa namin kina tita.

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok sina ate Rein.

"Ate," tumayo ako para salubungin siya nasa likod niya ang kaniyang mga kaklase.

"Kumusta na ang kuya mo?" tanong niya.

"Hindi pa rin po siya nagigising," sabi ko at tumingin kay kuya.

"Nagugutom ka ba? Bumili kami ng foods," may mga dala silang paper bags at inilapag sa isang table.

"Salamat po," I smiled at them.

"Where is he?!" sabay sabay kaming napatingin sa pinto nang makarinig kami ng sigaw ng babae.

Nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig namin siya. Lahat kami nagulat nang biglang may pumasok na babae sa loob ng kwarto.

She's crying. Namumula ang mukha niya dahil siguro sa iyak, basang basa ang mga pisngi niya at walang tigil ang paglabas ng luha sa mga mata niya.

Nang makita niya si kuya na nakahiga sa kama ay napatakip siya sa bibig niya.

Sino 'to? Kilala niya ba si kuya?

"Rhyle!" mabilis siyang naglakad papunta kay kuya.

Kilala niya nga ang kuya ko. Pero sino siya? Hindi ko pa siya nakikita, ngayon pa lang.

"I'm sorry," lumakas ang iyak niya nang hawakan niya ang kamay ni kuya. Lumapit ako sa kaniya para tanungin siya, napansin ko na isa isang lumabas sina ate Rein kaya tumingin ako sa kanila.

Sinenyasan niya akong lalabas daw muna sila, tumango lang ako, sinara nila ang pinto at napatingin ulit ako sa babaeng nasa harap ko na walang tigil ang pag-iyak habang hawak ang kamay ni kuya.

"Uhm– ate," tawag ko sa kaniya. Saglit siyang tumingin sa akin at umayos ng tayo.

She wiped her tears at malungkot na ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon