Chapter 5

159 21 0
                                    

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay kuya dahil maghahanap ako ng trabaho.

Sumakay ako ng tricycle papuntang palengke, nang makarating ako ay nag-ikot ikot ako para humanap ng mga stores na hiring.

"Sige na, ate. Kailangan ko po talaga ng trabaho."

"Hija, pasensya na pero hindi na namin kailangan ng isa pang trabahador baka hindi na magkasya ang pera namin sa pagpapasahod palang. Sa iba ka nalang makiusap."

Bigo akong umalis sa harap niya, sabagay sa palengke madalas puro lalaki ang kailangan dahil sa pagbubuhat ng mabibigat.

Kaya nagtry ako pumasok sa mga mini mart pero hindi na raw nila kailangan ng trabahante at saka seventeen pa lang ako dapat daw eighteen and above na.

Dahil sa tagal ko nang naglilibot ay nagutom na ako, hindi kasi ako nag breakfast bago umalis.

Kaya naghanap muna ako ng karinderya para kumain. Nakakita ako sa paglabas ng palengke, medyo maraming tao ang kumakain pero may mga bakante pa na mauupuan.

Nag-order ako ng isang ulam at isang cup ng rice. Medyo namangha ako dahil medyo malaki ang space ng karinderya at sobrang linis, ang ganda rin ng mga designs na inilagay.

Habang kumakain ako ay nililibot ko ang paningin ko sa loob ng karinderya.

Nanlaki ang mata ko nang may makita akong maliit na poster na ang nakalagay ay 'Now Hiring!'

Sakto namang dumaan ang isa sa mga naghahatid ng mga order sa costumers kaya naman tinawag ko siya.

"May kailangan po kayo, ma'am?" Magalang na saad niya.

"Hiring po kayo?" Ewan ko kung bakit ko 'yon tinanong eh kakabasa ko lang naman, well baka kasi nakalimutan lang nilang tanggalin.

"Opo." Napatayo agad ako.

"Pwede po mag-apply?!"

"Opo kausapin niyo lang po si tita Kiann." Tinawag niya ang babae na kumukuha ng order sa unahan.

"Tita gusto niya raw mag-apply." Napatingin siya sa akin.

"Ilang taon kana, hija?" She asked.

"Seventeen po." Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. "Please po, kailangan ko po talaga ng trabaho." Pagmamakaawa ko.

Kung hindi ako makakahanap ng trabaho wala naming makakain. Hindi pwedeng si kuya lang ang magtrabaho.

Gusto kong ipagpatuloy niya ang pag-aaral niya dahil kung makapagtapos siya at makakuha ng trabaho dahil Engineer na siya, malaki ang pwede niyang kitain.

"Minor ka palang, hija. Nasaan ba ang mga magulang mo? Diba dapat sila ang nagtatrabaho?"

Napatungo ako nang banggitin niya ang magulang ko. "Iniwan na po kami." Mahinang bulong ko.

"Pasensya na." Aniya ng marinig ang sagot ko.

"Please po, kailangan ko po ng trabaho, kanina pa po ako naglilibot sa palengke para mag-apply pero ayaw nila akong tanggapin."

"Sige tinatanggap kita pero hija ayaw na ayaw ko ang tamad tatlo lang kayong trabahante ko kaya marami kayong dapat gawin." Aniya.

"Opo!" Masayang saad ko.

Pinaliwanag niya pa ang mga dapat kong gawin at mga rules and regulations niya.

Yes! May trabaho na ako! Hindi man ganon kalaki ang sahod pero okay na para sa pang araw-araw naming magkakapatid. Tuwing kinsenas ang sahod at minsan ay dinadagdagan pa raw ni tita Kiann ang sahod pagmalakas ang kita.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon