Chapter 3

175 22 0
                                    

Kinuha ko ang wallet ko sa bag dahil sinisingil na kami ng kundoktor.

"Tatlo po." Inabot ko kay kuya ang pera para siya na ang magbayad sa kundoktor.

Si Jazen ay tulog pa rin, pinatong ko sa likuran niya ang jacket niya dahil malamig at nasa bandang aircon kami.

Matutulog na rin sana ako pero biglang nagring ang phone ko kaya naman kinuha ko na sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag.

Pero agad ko 'yong binalik nang makita ko ang pangalan ni tita. Mag-iisang oras na kaming bumabyahe sa bus.

Mabuti nalang talaga binigyan kami ni mama ng pera kasi kung hindi doon pa rin kami titira kina tita.

Habang nagbabyahe ay nakatingin lang ako sa bintana, maya maya ay nagising si Jazen na nagugutom kaya kinuhanan ko siya ng pagkain.

Binaba lang namin ang eco bag na puno ng pagkain para hindi na kami tayo ng tayo para kunin sa taas.

"Ate, malapit na tayo?" Jazen asked.

"Malayo pa." Napanguso siya. Nabobored siguro 'to kaya binigay ko sa kaniya ang phone ko so he can watch some cartoon movies that I downloaded.

I just turn on the do not disturb para kung may tumawag hindi maiinterrupt ang panonood niya.

Si kuya naman ay nanonood sa tv sa harapan. Hindi ko alam ang pinapanood nila basta mga barilan.

Ako ay nakinood lang kay Jazen, dahil sa kaniya na-addict na rin ako sa mga cartoon movies dahil sa kaniya.

Iyon lang ang mga ginagawa namin sa ilang oras na byahe. Matutulog, kakain, manonood at magkukwentuhan.

Tatlong beses din kami nagstop over sa mga gasoline stations para sa mga gustong mag cr.

Pagkatapos ng halos limang oras na byahe ay nakarating na kami. Binaba na namin lahat ng gamit namin.

"Magjeep nalang tayo kuya papunta sa atin para mas mura." Sumang-ayon si kuya.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep ay nagsuggest si kuya na kumain muna kami dahil puro biscuits lang ang laman ng tyan namin.

Hindi pa kami nakakakain nang may kanin. Kaya pumasok muna kami sa isang fast food restaurant na malapit lang din sa sakayan ng jeep.

Pinahanap ko na sila ng upuan habang nagoorder ako dahil medyo marami ng tao.

Nagorder ako para sa aming tatlo, pagkatapos kong magorder ay naghintay muna kami ng ilang minuto bago dumating ang pagkain namin.

Habang kumakain kami ay nagring ang cellphone ni kuya.

"Hello, Nat." Bati niya sa tumawag. "Ah oo malapit na kami.... Nako hindi na! Kami na bahala mag-ayos doon.... Nakakahiya naman kay tita.... Sige, salamat pre ha!"

"Iyon ba ang kaklase mo kuya?" I asked.

"Oo, sabi ng mama niya doon daw muna tayo sa kanila ngayong gabi, bukas na raw tayo lumipat sa uupahan natin." Sabi niya. Tumango lang ako at nagsimula na ulit kumain.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami para makasakay na ng jeep. Walang gaanong sumasakay sa jeep na papunta sa amin kaya walang pila.

Sumakay na kami unti pa lang ang sakay kaya kailangan muna namin maghintay ng ilang minuto. Hindi kasi aalis nang hindi puno.

Habang naghihintay kami ay kinukulit ako ni Jazen na hiramin ang cellphone ko kaya kinuha ko nalang sa bag ko para sana ibigay sa kaniya.

Pero I checked the percentage at twenty-five percent nalang kaya sabi ko huwag muna kaya napanguso siya.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon