Chapter 14

138 19 2
                                    

Wala akong tigil sa kakaiiyak habang nakaupo at naghihintay sa harap ng emergency room.

Dumating ang ambulance at sinugod na namin agad siya sa hospital mabuti nalang at maraming lalaking tumulong sa akin sa pagdala sa kaniya sa hospital.

Naliligo sa dugo si kuya, hindi pa rin namin alam kung sino ang may gawa nito sa kaniya.

Sabi ng mga lalaki sa amin ay baka grupo ang gumawa ka niya nito dahil sobrang bugbog si kuya.

Punong puno ng malalaki at malalalim na  sugat ang kaniyang mukha at katawan.

Wala siyang damit nang matagpuan tanging boxers niya lang ang suot, wala rin sa kaniya ang bag niya.

Sobrang laki ng pasalamat ko sa mga lalaking pumunta sa bahay namin at tumulong sa akin para masugod sa hospital si kuya.

Sa isang private hospital pa siya na-confine dahil 'yon lang ang pinakamalapit sa amin.

Hindi ko alam kung kanino ko iiwanan si Jazen kaya dinala ko nalang siya, baka ano ding mangyari sa kaniya if iwanan ko siya.

Iyak din siya ng iyak, nakayakap siya sa akin habang hinihintay namin na lumabas ang doctor at sabihin kung ano ang kalagayan ni kuya.

Sila tita Jhin ay papunta na rin dahil narinig ni kuya Nat ang sinabi ng lalaki.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, bukas ay may pasok pa ako pero magpapaalam muna ako kay tita na hindi muna ako makakapasok.

Hindi ko akalaing mangyayari ito. Hindi naman pala-away si kuya. Hindi siya barumbadong lalaki, lagi siyang kalmado at hindi mahilig makipag-away dahil ayaw na ayaw niya 'yon.

Hindi naman masamang tao ang kuya ko pero bakit siya nahantong sa ganito? May galit ba sa kaniya ang mga bumogbog sa kaniya?

"Shay!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin.

"Tita," Si tita Jhin kasama si tito at ang tatlo niyang anak. Agad naming niyakap ni Jazen si tita pagkalapit niya, humagulgol ako ako sa balikat niya.

"Kumusta ang kuya niyo? Ano sabi ng doctor?" Tanong ni tita habang hinahaplos ang aking buhok.

"H-hindi pa po lumalabas ang d-doctor, t-tita." Nakita kong kinuha ni kuya Nat si Jazen at binuhat.

"H-hindi ko na alam ang g-gagawin ko, t-tita. Hindi n-naman m-masamang tao si k-kuya pero b-bakit siya gananito?" Humiwalay si tita sa yakap and place her hands on my cheeks.

"Don't worry we're to help you to find those bastards na nang bugbog sa kuya mo. Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Rhyle." She wiped my tears. "Let's pray for your brother and trust the doctor, okay?" Medyo gumaan ang loob ko nang dumating sina tita.

"Shay uminom ka muna." Inabot sa akin ni kuya Trevin, panganay ni tita, ang nakabukas na bottled water.

Nakasandal lang ako kay tita habang hinihintay naming lumabas ang doctor.

Bigla kong naisip si mama at papa. Sasabihin ko ba sa kanila? O hahayaan nalang?

Agad kaming napatayo nang lumabas na ang doctor.

"Doc, k-kumusta po ang k-kuya ko." Agad kong tanong.

"He lost a lot of blood but luckily we have a available blood for him ngunit kailangan natin siyang i-ct scan dahil karamihan ng dugong kumalat sa kaniya is coming from his head at sobrang sama nito, maaring may damage ang kaniyang skull and his brain." Mas lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi ng doctor. Tumalikod ako at niyakap si tita at humagulgol ulit sa kaniyang balikat.

Sila tita ang kuma-usap sa doctor, hindi ko gaanong naintindihan ang kanilang pag-uusap dahil iyak lang ako ng iyak.

Ano ba ang kasalanan namin bakit nangyayari sa amin 'to?! Naging mabuti kaming anak! Naging mabuti kaming tao! Pero bakit ganito?!

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon