Chapter 13

113 22 0
                                    

After lunch ay sinamahan kami ni tita umuwi sa bahay. Naka-uwi na rin ang mga bisita nila dahil lunes at may mga pasok na.

Mag co-commute nalang sana kami kaso hindi pumayag si tita dahil mainit at mahirap sumakay. Sumabay nalang kami kay kuya Jen dahil dadaan siya sa lugar namin.

"Dito muna ako tutal hindi pa naman makakauwi ang kuya mo." Sabi ni tita. Tumawag sa akin si kuya kanina na hindi pa siya makakauwi dahil kailangan siya doon.

"Sige po, tita. Hindi po ba kayo hahanapin ni tito?" Tulog pa si tito nang umalis kami.

"Hindi 'yan." Sagot niya lang. "Ako nalang magbabantay kay Jazen habang nasa trabaho ka."

Kinabukasan ay paggising ko ay gising na rin si tita, nagluluto siya ng almusal.

"Tita," Lumapit ako sa kaniya. Nagluluto siya ng sunny side up eggs and fried rice.

"Good morning, Shay! Alas-tres ang pasok mo diba? Sige na maligo kana pagkatapos ay kumain kana." Aniya. Unti unti akong napangiti dahil sa sinabi niya, para ko siyang nanay na hinahandaan ako bago pumasok sa school.

Tumango ako at kumuha ng tuwalya at kumuha na rin ako ng susuotin ko bago pumasok sa cr.

Para akong baliw sa cr na nakangiti dahil kay tita. Parang ang tagal tagal ko nang hindi naramdaman ang pag-aalaga.

Nasanay akong paggising ko ay magsasaing ako bago maligo at after that ay magluluto na ako ng ulam.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng cr, nakita ko si tita na nagpeprepare sa lamesa.

"Shay kumakain kana," Yaya ni tita. Nilagay ko muna ang damit ko na hinubad sa basket.

"Ikaw po tita hindi ka kakain?" Tanong ko nang mapansin na isang plato lang ang nilagay niya sa lamesa.

"Hindi na, coffee lang sa akin." Tumango lang ako at naglagay na ng kanin sa plato.

"Ang aga niyo po nagising, tita." Ani ko.

"Syempre, ipaghahanda kita ng kakainin mo." She smiled and take a sip in her coffee.

"Salamat po, tita." Tinitignan niya lang ako habang kumakain.

"Alam mo, Shay. I'm really mad at your parents how can they leave their own children! You're so sweet, wonderful, and so responsible." I look at her. "I can't believe that they forgot about you, they can't even message you! Kumustahin man lang ang mga anak nila!" Inis na inis na sabi ni tita.

"It's okay, tita–"

"No! It's not okay. You're suffering because of them, you're working for your needs na dapat sila ang gumagawa dapat nga ay nag-aaral palang kayo ngayon, dapat may nag-aalaga pa rin sa inyo ngayon." Napayuko ako.

Ganyan din ang palagi kong iniisip ngunit wala na akong magagawa dahil nangyari na. Mas pinili nila ang kanilang bagong pamilya, wala na kaming magagawa doon.

Kung ipilit man namin ay baka mas malala ang kakalabasan. Mararamdaman namin na pinipilit lang nila ang kanilang sarili na tumira sa iisang bubong.

Mas malala siguro ang pwedeng mangyari lalo pa't makikita 'yon ni Jazen. Marami kaming natutunan dahil sa mga pinagdaanan namin.

Kaya sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa pamilya ni tita Jhin. Sobrang dami ang natulong nila sa amin kaya gagawin ko ang lahat para makabawi naman sa kanila.

"Anyway. Hindi pa ba dumarating ang kuryente? Last month pa 'yon." Pag-iba ni tita.

"Wala pa po, ta." Sagot ko.

"Ang dami pa namang lamok dito! Baka magkasakit kayo, hayaan mo pupuntahan ko mamaya para makabitan na kayo." Nag pa-apply si tita ng kuryente para dito sa bahay yun nga lang ay ang tagal ng proseso.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon