Chapter 11

113 20 0
                                    

Maya maya pa ay nagsimula na ang party, tinawag na ng MC si tita at si tito naman ay ang nagescort sa kaniya papunta sa upuan niya.

The party was so fun, nagpalaro sila sa mga adult and of course may price na cash kaya go na go sila.

And of course hindi mawawala ang mga messages ng mga kaibigan at pamilya ni tita habang binibigay ang kanilang mga regalo sa kaniya.

After that ay syempre nagblow na si tita ng candles sa cake niya and we started eating na.

Habang kumakain kami ay may nagpeperform sa kanilang mini stage na ginawa lang din nila. May sayawan at kantahan din.

Si Jazen ay pinakain ko na dahil past lunch na nang sabihin na pwede nang kumain. Mabuti nalang at nag lagay sila ng trapal kaya hindi gaanong mainit.

Dumating sa table sina tito at tita na may dalang foods para sa kanila. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami, dumating din panganay na anak ni tita kasama ang girlfriend niya.

Kilala na rin namin ang panganay ni tita dahil minsan pumunta rin siya sa bahay kasama si tita.

Napatingin ako kay Jazen nang kalabitin niya ako. "Ate laro ako doon." Tinuro niya ang mga batang naglalaro sa isang mini playground.

"Sige." Napangiti siya at agad na tumakbo papunta doon. Maiinip din kasi siya dito dahil mga matatanda ang mga kasama niya.

"Shay, let's go grab some desserts." Hinila ako ni tita papasok ulit sa bahay nila. "Oh wait, may kukunin lang ako sa kwarto mauna kana sa kusina okay?"

Ubos na kasi ang mga nakalagay na desserts sa mahabang lamesa na nasa labas.

Tumango ako at pumunta na sa kusina nila, may mga tao rin dito sa loob dahil siguro naiinitan sila sa labas.

Mostly mga nanay na dala ang babies nila.

Nang makarating ako sa kusina ay nakarinig ako ng mga boses ng lalaki kaya medyo nagdadalawang isip ako kung papasok na ba ako o hintayin ko muna si tita.

Tumayo muna ako sa gilid, kurtina ilang naman ang nagsilbing harang kaya naririnig ko sila.

"Pinsan ba natin 'yong nakapurple sa table niyo?" Ako ba ang tinutukoy nila.

"Hindi, kapatid 'yon ng best friend ko. Si Shay." Si kuya Nat ang nagsalita. So ako nga tinutukoy ng lalaki.

Sino kaya kausap niya?

"Ilang taon na 'yon?" Ibang boses naman ng lalaki ang narinig ko.

"Minor pa lang 'yon, manahimik ka dyan kaltukan kita." Rinig kong sabi ni kuya Nat.

Hindi na ako nakatiis sisilipin ko lang sana sila pero saktong napatingin si kuya Nat kaya nakita niya ako.

"Oh, Shay! Tara pasok ka." Yaya niya. Napatingin din sa akin ang mga kasama niya. Apat na lalaki ang kasama niya. "May kukunin ka ba?"

"Opo." may graham ba dyan kuya? Wala na akong nagawa kundi pumasok.

"Ano kukunin mo?" Medyo naiilang ako dahil puro lalaki ang kasama ko at lahat sila nakatingin sa akin.

"D-desserts po." Inabutan ako ni kuya ng isang plato para doon daw ilagay ang mga kukunin ko.

Pumunta ako sa table ng puro desserts, naguusap usap pa rin sila at ako busy sa paglagay ng mga desserts sa plato.

Maya maya umalis ang tatlong kasama ni kuya Nat, narinig kong may gagawin daw sila.

"Shay." Napalingon ako sa kay kuya Nat nang tawagin niya ako. "Pakilala pala kita sa pinsan ko." Napatingin ako sa lalaking nasa tabi niya.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon