Chapter 1

322 22 1
                                    

Magtatlong buwan na ang nakalipas ng mangyari 'yon. Iniwan kami ni papa at sumama sa kasintahan niya.

Ni hindi niya kami tinapunan ng tingin noong umalis siya, wala kaming narinig sa kaniya kahit isang salita para sa amin ng mga anak niya.

Derederetso lang siyang lumabas sa bahay, siguro nga wala talaga siyang pake sa amin.

It hurts to see your father walking away without saying a word, without explaining, without saying sorry for what he have done.

Parang hindi siya nagsisisi sa ginawa niya, mukhang okay lang sa kaniya na iwanan niya kami.

Sa loob ng tatlong buwan ay wala kaming balita kay papa. Hindi na namin siya na cocontact.

Hindi ko alam kung nagkikita sina mama at papa dahil balita ko ay tumira si papa at ang kasintahan niya sa bahay namin at si mama ay nagtatrabaho malapit doon.

Wala naman naganap na annulment dahil hindi kasal sina mama, live in lang sila.

Hindi nalang din kami nagtatanong kay mama dahil paniguradong pagagalitan niya kami.

Iniwan kami ni mama sa kapatid niya, sa isang probinsya at habang siya ay nagtatrabaho sa Manila. Nagpapadala siya ng pera para sa pangangailangan namin.

"Ate kailan daw tatawag si mama? Miss ko na siya." Niyakap ako ng bunso naming kapatid.

"Hindi ko alam. Tignan natin bukas, tawagan natin siya." Sagot ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Gabi na at matutulog na kami pero itong kapatid ko ay naglalambing at paulit ulit na sinasabi na miss na niya si mama.

Mama's boy kasi siya, dati ay ayaw na ayaw niyang mahiwalay kay mama nagwawala talaga siya pag-umalis si mama ng hindi siya kasama.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi na namin gaanong nakakausap si mama dahil marami raw ang kaniyang trabaho.

Kung tatawag man ay hindi lumalampas ng sampung minuto ang paguusap namin.

"Hayaan mo, paniguradong uuwi si mama sa susunod na linggo baka busy lang siya sa trabaho para magkaroon ng pera para makauwi siya." Napatingin kaming dalawa kay kuya.

"Talaga, kuya?!" Masiglang sambit ng bunso.

"Oo, diba sabi niya tuwing katapusan ng  buwan dadalawin niya tayo." Nakangiting saad ni kuya.

Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil tinutulungan ko si tita sa pagprepare ng kaniyang mga paninda.

Nagtitinda siya ng mga ulam sa tapat ng bahay niya. Habang nagluluto si tita ay inayos at nilinis ko ang lamesa.

Hinugasan ko rin ang mga lagayan ng ulam at inilabas ko na ang mga ulam na luto na.

"Ate isa pong itlong at hotdog." Lumapit ang isang batang lalaki na nakauniform.

Kumuha ako ng plastic at inilagay ang order niya. Pagkabayad niya ay umalis na rin siya agad.

Mukhang ka-edad lang siya ng bunso namin, medyo nalungkot ako dahil gusto rin ng kapatid namin na pumasok sa school pero wala kaming pera.

Grade one na sana siya kung hindi nangyari 'yon, ako naman ay mag co-college na.

Pinili nalang namin na huwag na munang mag-aral dahil sobrang mahihirapan si mama. Wala rin naman kasing pinapadala si papa sa amin.

Si kuya naman ay nagtatrabaho rin, minsan ay sumasama siya sa construction, nagta-try din siya mag apply sa mga restaurant pero hindi siya tinatanggap.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon