Chapter 2

204 20 1
                                    

"K-kuya ano nang gagawin natin?" Umiiyak kong sabi. Pagkatapos 'yon sabihin ng ginang ay umalis na siya.

Mukhang walang balak si mama na balikan kami dahil may pamilya na siya. May bago na siyang pamilya.

Paano nila nagawang kalimutan ang mga anak nila? Paano nila nagawang iwan kami?

Wala lang ba kami sa kanila? Bakit parang ang dali lang para sa kanila?

Hindi man nila kami inisip, kung ano ang magiging epekto ng ginawa nila sa amin.

Hindi man nila inisip kung anong mararamdaman namin.

Bakit kami ang dapat magdusa? Bakit kami ang nahihirapan? Hindi naman namin ito ginusto.

"H-hindi ko alam." Pati si kuya ay naluluha. "Gamitin nalang natin itong pera para umalis dito."

Sa loob ng sobre ay may sampung libo. Kung ibibigay namin 'to kay tita ay gagamitin niya lang itong pang shopping.

"Aalis tayo dito ate?" Napatingin kami kay bunso kita ko ang pagdaloy ng kaniyang mga luha.

Agad ko iyong pinunasan.

"Oo, aalis na tayo dito. Bakit gusto mo ba dito?" Tanong ko.

"Ayaw po." Umiling siya.

"Sige na, mag-ayos na kayo ng mga gamit niyo. Ngayong araw tayo aalis." Hinawakan niya ako sa balikat. "Huwag niyo lang muna ipahalata, aalis tayo pagka-alis nila mamaya. Narinig ko na pupunta sila sa mall ngayon."

"Sige kuya."

Pumasok na kami sa loob at mga masasamang tingin ang sumalubong sa amin.

"Nakikitira na nga lang sa bahay ganiyan pa ugali!" Pagpaparinig ng isang anak ni tita. Tatlong babae ang anak niya at lahat sila ay nagmana sa magulang nila.

"Kaya nga, wala nang utang na loob. Pasalamat nga sila pinatuloy pa dito." Sabi naman ng isa.

"Ano pang aasahan niyo d'yan. Eh mga wala 'yang pinag-aralan kaya ganiyan ugali." Niyukom ko ang mga palad ko dahil sa pinagsasabi nila. Wala silang karapatan sabihan kami ng ganyan.

Tumingin ako sa kanila ng masama pero hindi nila nakita dahil busy sila sa pagmanicure ng mga kuko nila.

Mukhang napansin ni kuya ang pagtingin ko sa kanila hinila na niya ako kasama si bunso sa malapit kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit namin.

"Ayusin niyo na ang mga gamit niyo." Bulong ni kuya dahil baka marinig siya ng tatlo sa labas.

Sumunod nalang ako kay kuya dahil baka mapagalitan niya ako. Habang nagliligpit ako ng mga gamit namin ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang mga sinabi nila.

Wala daw kaming pinag-aralan, isungalngal ko kaya sa kanila yung mga certificates and medals naming magkakapatid.

Sila nga nabalitaan ko noon may na kick out at na drop out sa school. Akala mo kung sino makasabi ng walang pinag-aralan, eh pumupunta nga sila sa bahay pag may celebration dahil nasa top kami ni kuya.

Porket sila ang nakikinabang sa mga padala ni mama sobrang yabang na akala mo para sa kanila talaga.

Pag kami yumaman, wag na wag kayong lalapit sa amin.

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit naming magkakapatid ay lumabas na ako ng kwarto.

Saktong paglabas ko ay nakita ko sila tita paalis na ng bahay. Lahat sila nakaporma, mga baduy naman.

Nakita kong kausap ni tito si kuya at mukhang pinapagalitan dahil medyo masama ang tingin niya.

Tumatango lang si kuya hanggang tumigil na sa pagsasalita si tito. Pagka-alis nila ay pinaluguan ko na agad si Jazen. Ang bunso namin.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon