Chapter 9

136 18 0
                                    

Makalipas ng dalawang buwan ay naging tahimik naman ang pamumuhay namin dito.

Sakto lang ang kinikita namin ni kuya para sa mga pangangailangan namin pero nagtatabi kami ng kaunting pera para sa pag-aaral ni Jazen.

Hindi na rin kami nagtry na mag contact kay mama, hindi na kami nagparamdam pa.

Wala rin namang saysay kung patuloy pa rin kami mag memessage sa kaniya. Tutal may bago na siyang pamilya, wala na siyang pakialam sa amin. Pati si papa, hahayaan nalang namin kung saan sila masaya.

Nagfocus kami sa pagtatrabaho para sa pang araw-araw namin, kahit na mahirap pilit namin kinakaya.

Si kuya ay nagtatrabaho bilang waiter, umaga hanggang hapon ang pasok niya, ako naman ay sa karinderya pa rin.

Si Jazen ay nagtitinda siya ng sampaguita, noong una ay hindi kami pumayag ni kuya pero sabi niya ay gusto niyang tumulong gusto niya rin kasi mag-ipon para sa pag-aaral niya sa susunod na taon.

Gustong gusto niya talaga mag-aral kaya nagsusumikap din siya. Pinayagan namin siya pero hindi siya araw araw magtitinda.

Dalawa o tatlong beses lang sa isang linggo, ang binibigay sa kaniya ay fifty to one hundred pesos minsan ay pinangbibili niya 'yon ng favorite niyang ube cookies ni tita Kiann.

"Shay sa table seven." Inabot sa akin ni Sara ang tray na puno ng pagkain at dahan dahan akong naglakad papunta sa table seven.

"Thank you po." Saad ng babae pagkatapos kong ilagay ang order nila sa lamesa, kinuha ko ang tray at nginitian ko sila bago umalis.

Lumapit sa akin si tita Kiann. "Nga pala, Shay. Pupunta 'yong mga kaklase ni Rein ikaw muna mag asikaso sa kanila." Aniya.

"Sige po, tita." Tumango ako at nagpatuloy ako sa paghatid ng mga pagkain sa mga tables.

"Ate pwede po makihingi pa ng tissues."

"Sure po." Pumunta ako sa counter kung saan kinukuha ang mga take outs ay kumuha ng tissues at binigay sa costumer.

"Shay." Medyo nagulat ako nang mag kumalabit sa akin mula sa likod pagharap ko ay si ate Rein lang pala.

"Ate Rein!" I smiled at her.

"May available pa ba na table?" She asked. Napatingin ako sa likod niya at may mga kasama siya. I think mga classmates niya, 'yong sinasabi ni tita Kiann kanina, naka uniform din kasi sila.

"Yes po, ate. Dito po." Tinuro ko sa kanila ang table na malapit sa counter. Anim sila kaya nagdagdag pa kami ng isang table at dalawang chairs. Binigyan ko sila ng menu isa isa.

Yes, nag level up na ang karinderya. I think it's more like a restaurant than a karinderya.

Sa loob ng ilang buwan ay lumawak ang place namin kaya nadagdagan nang mga tables at mas lalong dumami ang costumers.

Tumayo ako sa tabi ng table nila na may hawak na note pad and ballpen para kunin ang orders nila.

"Order na kayo." Sabi ni ate Rein.

"Libre ba 'to?" Natawa ako sa sinabi ng lalaki na nasa harapan niya.

"Ito napakawalang hiya mo talaga!" Sabi ng babaeng katabi ni ate Rein. Dalawa lang silang babae at apat na lalaki.

"Oo na libre ko." Nagdiwang naman sila nang sabihin 'yon ni ate Rein.

Sinabi nila sa akin ang orders nila at agad ko 'yong sinulat.

"Do you have desserts?" Tanong ng babae na katabi ni ate Rein.

"Desserts agad iniisip nito." Sabi ng isang lalaki. Sinamaan lang siya ng tingin ng babae.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon