Chapter 4

168 20 0
                                    

"Sorry po, naalala ko lang si mama sa inyo." Humiwalay ako sa yakap at inayos ang mukha ko.

Pero tinabi muna ni tita Jhin ang mga kamay ko and she wiped my tears using her fingers.

"Okay lang, hija. Huwag kayong mag-alala hindi namin kayo pababayaan." Parang mas lalo pa akong naluha dahil sa sinabi niya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya, alam kong buwan palang ang nakakalipas nang mangyari 'yon pero parang ilang taon akong hindi nakaramdam nito.

Gusto ko ulit maramdaman ang pag-aalaga sa akin, gusto ko ulit 'yon. Gusto ko ulit maramdaman ang haplos ni mama, sa tuwing may problema ako about sa school she'll just gonna hug me and comb my hair.

Kailan ko kaya ulit 'yon mararamdaman?

"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang gatas at uminom.

"Naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan niyo." I look at her. "Actually, hiwalay din ang mga magulang ko noon. My brother and I lived in the street for a year.

Namamalimos kami para may makain, hanggang sa may lumapit sa amin na isang matandang lalaki at kinupkop kami." Malungkot siyang napangiti habang inaalala ang nangyari noon.

"Kaya tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya dahil alam ko kung gaano kasakit at kahirap ang walang magulang sa tabi mo. Walang mag-aalaga sa inyo, walang susuporta, kaya nandito kami para maging pangalawa niyong pamilya."

Hindi ko namalayan na may panibagong luha nanaman ang tumulo. Hindi ko ineexpect 'to kahit hindi nila kami kadugo ganito ang trato nila sa amin.

"Salamat po." Tumagal kami doon ng ilang minuto dahil nagkuwentuhan pa kami.

Kinabukasan ay lumipat na kami sa tutuluyan namin. Hindi siya malaki pero hindi rin siya maliit, sakto lang sa aming tatlo.

Medyo malayo rin sa bahay nila tita Jhin. Agad naming inayos ang mga gamit namin.

"Ate, dito na tayo titira?" Tanong ni Jazen.

"Opo."

"Hindi na tayo babalik kina tita?"

"Hindi na, bunso." Sagot ko habang inaayos ang tupi ng kaniyang mga damit.

"Ate hindi pa ba ako mag iischool?" Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi pa, wala pa tayong pera. Pag may pera na si ate at kuya." Tumango lang siya at ngumiti.

Wala pa kaming sapat na pera pero nagpaplano ako na magtrabaho kahit sa palengke lang para makapag-ipon sa pag-aaral niya.

Pinapangako ko sa sarili ko na pag-aaralin ko si Jazen, gagawa ako ng paraan para makapag-aral siya at makatapos.

Kahit hindi na ako, gagabayan ko nalang siya sa pag-aaral. Tatayo ako bilang nanay at ate niya.

Pinagiisipan ko rin kasi sabihin kay kuya na ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.

Second year college na siya ilang taon nalang malapit na siyang mag-graduate at kung makapasa siya sa board exam ay Engineer na siya.

Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit ay napagdesisyunan naming mag grocery at mamalengke dahil wala kaming pagkain.

Nag tricycle lang kaming papuntang palengke. Kaunti lang ang pinamili ko dahil wala naman kaming refrigerator baka masira ang mga karne.

Si kuya na ang pinabili ko ng mga gulay at kaunting prutas at kami ni Jazen ay pumuntang grocery, unti lang din ang pinamili ko.

Mga basic ingredients lang para sa mga lulutuin. Nagpapabili pa si Jazen ng snacks pero sabi ko sa susunod na dahil meron pa sa bahay, medyo marami pa ang natira na pagkain sa kinuha ni kuya sa bahay nila tita.

Seeking Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon